Pamilyang naulila, hindi makapaniwala nang makita ang pinakatatago-tago ng kanilang ama pagkatapos nitong pumanaw!



Subok na at talagang marami na ang nakapagpatunay na ang pagmamahal ng magulang sa kanilang mga anak ay talagang hindi matatawaran. Kahit pa nga napakahirap na ng buhay natin sa ngayon ay hindi ka makakarinig ng reklamo sa kanila habang sila ay nagbabanat ng buto para sa kanilang pamilya.

Hindi kailan man naging hadlang ang pagod, puyat, at hirap upang tumigil sila sa kanilang ginagawa. Palaging nakasuporta ang ating mga magulang sa lahat ng ating pangangailangan.

Kahit nga pinansiyal na pangangailangan natin ay madalas na sila rin ang humahagilip. Kamakailan lamang ay marami ang naantig sa kwentong ito ng isang pamilya.

Ang netizen mismo na si Dy Dela Paz ang nagbahagi ng kwentong ito online. Hindi kasi nila inaasahan na bigla na lamang masasawi ang kanilang ama.

Sa hirap ng buhay natin ngayon ay talagang guguho ang ating mundo sa pangyayari na ito lalo na at batid naman natin kung gaano kamahal ang magpalibing ngayon. Lumipas pa ang ilang araw mula nang tuluyan nang lumisan ang kanilang ama ay talagang namomroblema pa rin ang buong pamilya sa magiging gastusin ng burol at libing ng kanilang yumaong magulang.

Nang minsang nagliligpit sila ng mga gamit ng nasirang ama ay napansin nila ang luma at marumi na bag na madalas ay dala-dala nito saan man siya magpunta. Nang buksan nila ang loob ay hindi sila makapaniwalang limpak-limpak na pera pala ang laman nito.

Mayroong umaabot sa Php205,000 ang laman ng naturang bag. Sobrang nabigla ang buong mag-anak sa iniwanan na ito ng kanilang ama sa kanila.

Hanggang sa mga huling sandali ng kanilang magulang ay talagang hindi nito ninais na mahirap pa ang kaniyang asawa at mga anak. Ang pera na ito ng kanilang ama na mula sa kaniyang pawis at dugo ay magagamit nila upang maipalibing siya ng maayos at kahit papaano ay makapagsimula silang muli sa buhay.




error: Content is protected !!