Isang sikat na sexy star noon, hindi na makilala ngayon at namamalimos na lamang sa lansangan!



Ang ating buhay dito sa mundong ibabaw ay madalas na inihahalintulad sa isang gulong. Kung saan minsan ay maaaring nasa ilalim ka habang minsan naman ay nasa ibabaw.

Walang kasiguraduhan ang sitwasyon natin na tila ba isang gulong na patuloy lamang sa paggalaw. Kamakailan lamang marami ang nakapansin sa mga larawang ito ng isang sikat na sexy star noon.

Kung dati kasi ay marami siyang mga tagahanga at tagasuporta bilang isang artista, ngayon ay namamalimos na lamang siya sa lansangan upang makaraos sa loob ng isang araw. Ang personalidad na ito ay walang iba kundi si Brandy Ayala.



Siya ay si Remedios Estrada sa tunay na buhay at talaga namang napakaganda at napakaganda ng kaniyang pangangatawan noong kaniyang kabataan. Hindi na nakapagtataka na maraming mga Pilipino ang labis na humanga sa kaniya at sumuporta sa kaniyang mga ginawang proyekto.


Ngunit kaakibat ng kasikatan at malaking halaga ng pera na kaniyang kinikita ay ang kaniyang pagkakalulongsa ipinagbabawal na gamot. Hindi nagtagal at unti-unti na siyang nawala sa harapan ng kamera at napabayaan na nga ang kaniyang sarili.


Ngayon ay nasa mahirap na siyang sitwasyon dahil siya ay nagpapalaboy-laboy na lamang at namataan ng isangnetizen sa labas ng SM City San Lazaro. Dito ay namamalimos siya sa mga taong dumaraan at madalas ay mayroon din siyang dala-dalang bayong.

Hindi na bago sa maraming mga artista noon ang ganitong pangyayari. Dahil noon ay inabuso nila ang kanilang katawan at hindi nila nabigyang pagpapahalaga ang kanilang trabaho maging ang kanilang kalusugan, nauuwi madalas sa labis na kahirapan ang kanilang kalagayan sa buhay.

Samantala, marami din namang mga netizens ang nakisimpatya sa sitwasyon na ito ng dating sexy star. Marami sa kanila ang nagnanais na tumulong sa simpleng pamamaraan na kaya nila habang ang ilan naman ay nag-aalay ng dalangin para sa kaniya upang malampasan ang matinding hamon na ito sa kaniyang buhay.




error: Content is protected !!