Halos karamihan sa ating mga Pilipino ay mayroong “American dream”. Ang manirahan sa Estados Unidos na ubod ng laki at maituturing na isa sa pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo.
Kung marami sa atin ang nagsusumikap at talagang nagtitiyaga na makaalis ng Pilipinas upang doon na manirahan, mayroon din namang iilan sa atin na pinalad dahil sa doon na mismo sila isinilang at doon na rin sila nagkaisip. Tulad na lamang halimbawa ng isang Pilipina na ito na hindi lamang pala personal chef ng Hollywood star na si Drew Barrymore kundi malapit din nitong kaibigan.
Madalas na papuri lamang ang maririnig ng publiko mula kay Drew lalo na kung si Pilar Valdes ang pag-uusapan. Ayon sa artikulo mula sa Pep.ph, si Pilar ay isang “self-taught chef” at nakabase siya ngayon sa New York City sa Estados Unidos.
Marami din ang nagulat nang malaman nilang si Pilar ay contributor din pala sa cookbook ni Drew na may pamagat na “Rebel Homemaker”. Nang minsang makapanayam ni Drew si Pilar sa kaniyang show ay inilarawan niya ang kaniyang kaibigan bilang isang napaka-espesyal na tao para sa kaniya.
Ayon pa sa Hollywood actress, palagi daw niyang kasama si Pilar sa kusina at pagdating naman daw sa mga masusustansiyang putahe ay ang kaniyang kaibigan pa rin ang kaniyang kinukonsulta.
“Someone that I’m always in the kitchen with, Pilar and I bonded early on wanting to make food, because I’m a pendulum… heavier, lighter, heavier, lighter. No pretty little middle. And to be lighter, I had to do that chicken-and-broccoli thing, and I don’t think that that’s sustainable for happiness.” Pahayag ni Drew.
“And so, when I really would go off the rails, I would do dishes that weren’t chicken and broccoli,” Dagdag pa niya.
Matagal na rin daw nila itong ginagawa at talagang masayang-masaya si Drew dahil sa marami siyang natutunan sa kaniyang kaibigan lalo na kung patungkol sa mga masasarap at masusustansiyang pagkain.