Gwen Zamora, ibinahagi ang simple at masaya nilang buhay sa probinsiya kasama ang kaniyang asawa at anak!



Si Gwenaelle Tasha Mae Agnese-Semerád o mas nakilala natin bilang si Gwen Zamora ay 31 taong gulang na aktres, modelo, komedyante, at mananayaw. Marami ang humahanga at sumusuporta sa kaniya dahil sa mala-anghel niyang kagandahan at kaseksihan.

Pebrero lamang nitong taong ito nang magpakasal siya sa kaniyang nobyo na isang professional basketball player na si David Semerad. Nabiyayaan na sila ng isang anak na si Cooper na talaga namang napaka-cute at napaka-bibo.

Kung noon ay napapanuod natin siya sa “Bubble Gang” ngayon ay tahimik na silang namamalagi sa kanilang modern bahay-kubo/farm sa Batangas. Buhat ng magkaroon ng pandemya sa bansa ay minabuti na nilang sa probinsiya na lamang manirahan upang maprotektahan ang kanilang anak.



Para kasi sa mag-asawa, magiging mas ligtas sila dito kaysa sa condo at sa ibang lugar sa Maynila. Hindi naman sila nabigo dahil talaga namang napakatahimik at napakasarap tirhan ng kanilang Batangas farm.


Enjoy na enjoy din ng kanilang anak ang sariwang hangin at ang luntiang paligid na hindi natin madalas maranasan sa mga lungsod. Hindi rin naman daw naging mahirap ang pag-aadjust nila mula sa paninirahan sa Maynila at pamumuhay sa probinsiya dahil tuwing Sabado at Linggo ay dito rin naman daw sila nanatili.

“It was super to adjust because we would always go there every weekend. So we always kind of missed it and always wanted to go back.” Pahayag ng aktres.

Hands-on din naman ngayon si Gwen sa pag-aalaga sa kanilang unico hijo. Masayang masaya siya at kuntento kasama ang kaniyang mister at anak sa napakaganda nilang tahanan.

Dito ay nagtatanim din sila at nag-aalaga ng hayop tulad na lamang halimbawa ng ilang mga kambing. Tunay nga na kung ikaw ay naninirahan sa probinsiya, tiyak na marami kang maaaring gawin.

Kung ikaw ay masipag, tiyak na hindi ka magugutom dahil bukod sa pagtatanim ay maaari ka ring mag-alaga ng mga hayop tulad ng ginagawa ni Gwen at ng kaniyang asawa.




error: Content is protected !!