Isang sulat na iniwanan ng isang regular customer ng isang resto, umantig sa puso ng publiko!



Madalas nating marinig sa mga nakatatanda na masarap magmahal, talagang walang makakapantay sa ganitong pakiramdam. Ang mahalin ka ng taong pinakamamahal mo at ang magmahal ng taong alam mong makakasama mo habang buhay.

Sa yugtong ito ng ating buhay ay tiyak na mayroon na tayong kaniya-kaniya nating plano sa buhay kasama ang ating pinakamamahal. Plano na makapagpundar ng sariling tahanan, sasakyan, at negosyo, magpakasal at bumuo ng sariling pamilya.

Ngunit hindi lahat sa atin ay nagkakaroon ng pagkakataon na matupad at makamit ang mga bagay na ito. Marami sa atin ang nakakaranas din na mayroong masawing minamahal sa buhay.

Tulad na lamang ng isang regular customer na ito sa isang resto. Ang naturang resto ay ang Kanto Freestyle Breakfast. Sila mismo ang nagbahagi ng larawan ng isang liham na iniwanan ng kanilang masugid na costumer.



Sa naturang liham ay mababasa ang mga katagang:


“Alex, Oh ayan, tinupad ko na isang usapan natin na magkakape ulit dito sa Kanto, kaso ako na lang. Paalam mahal ko. Hanggang sa muli nating pagkikita. Salamat sa lahat ng alaala dito sa Kanto. Rest in peace my love.”

Marami ang naging emosyonal at naantig sa mensaheng ito. Kapansin-pansin din na mayroon pang pancakes at isang tasang kape na hindi nagalaw, marahil ay para ito sa namayapang si Alex.

Marami ding mga netizens ang nagpaabot ng pakikiramay sa naulila ni Alex. Bagamat walang pagkakakilanlan ang kanilang regular costumer ay damang-dama ng marami ang damdamin niya sa kaniyang iniwanang liham. Sa wakas ay natupad na niya ang dapat sana ay plano nilang dalawa ni Alex.

Tunay nga na napakasakit na mawalan ng minamahal. Hindi kailanman mailalarawan ang sakit at hirap nito sa kalooban. Lalong-lalo na ang pangungulila sa naging maaga nilang pamamaalam.

Kung kaya naman kahit mahirap ay pinipilit pa rin nating magpatuloy sa buhay. Mahirap ngunit kinakaya at kakayanin pa sa paglipas ng panahon.




error: Content is protected !!