Isang loyal na aso ang umuupo sa tabi ng bintana araw-araw sa loob ng 11 tao upang hintayin ang kaniyang amo galing sa trabaho!



Maraming netizens ang naantig sa kwento na ito ng isang optometrist sa Chicago, USA. Siya ay si Roman at sa araw-araw na pag-uwi niya galing trabaho ay talagang nakasanayan na niyang tumingala sa bintana ng kaniyang bahay kung saan naghihintay ang asong si Toby.

Sa loob ng 11 taon ay walang palya si Toby sa pag-aabang at paghihintay sa pag-uwi ng kaniyang amo. Ngunit ngayon ay nangungulila na si Roman sa kaniyang alaga dahil sa hindi na niya ito makikita kailanman.

Nagkaroon kasi ng malalang sakit si Toby, marami na rin siyang pinagdaanan na mga surgery at pagkatapos ng tatlong major operation ay natuklasan pang mayroon siyang kanser at stage 4 kidney fa!lure Oktubre 2018. Nang Pebrero 2019 naman ay hindi na talaga makalulon at hinang-hina na si Toby kung kaya naman nagdesisyon na si Roman na magpaalam sa kaniyang pinakamamahal na alaga.


Dinala na niya si Toby sa doktor para tuldukan na ang kaniyang paghihirap. Inalala pa ni Roman ang unang pagkikita nila ni Toby kung saan dumumi pa ito sa kaniyang sala.

Alaga talaga ng kaniyang nobya noon ang aso ngunit talagang napalapit na ito ng husto sa kaniya. Inakala niyang hindi na sila magkakasundo pa ng aso dahil sa kakulitan nito ngunit nang itinuring niyang bata si Toby at hindi na niya madalas pagalitan ay tila nag-iba rin ang ugali nito.

Naging sobrang “clingy” nito at palaging nais ang atensyon ng kaniyang amo. Hindi na nakapagtataka na mas naging malapit sila sa mga sumunod na araw dahil sa talagang hindi na sila mapaghihiwalay pa.

 

Nakakalungkot mang isipin na wala na ngayon si Toby sa piling nina Roman, laking pasasalamat pa rin niya sa napakagandang karanasan at mga alaala na iniwanan ng mabuti niyang kaibigan. Dalangin niya na balang-araw ay muli silang magkita ni Toby pagdating ng panahon.