Pagkatapos ng higit sampung taong pagsasama ay nag-file ako ng divorce sa aking misis ngunit hindi ito ang ginusto kong katapusan ng lahat!



Halos 15 taon ding kasal ang lalaking ito sa kaniyang asawa. Ngunit bago pa man dumating ang ikasampung taong anibersaryo ng kanilang kasal ay nagdesisyon siyang i-diborsiyo na ang kaniyang asawa.

Mayroon silang dalawang anak ngunit mas pinili pa rin niyang iwanan ang kaniyang pamilya upang sumama sa iba. Nakilala niya si Eve, tulad niya ay mayroon na rin itong pamilya at may dalawang anak ngunit hiwalay.

Nagkamabutihan sila nito dahil na rin sa social media. Palagi silang magkausap at madalas ay palihim na nagkikita.

Inakala ng mister na hindi na nag-aayos ang kaniyang asawa at tanging mga bata na lamang ang kaniyang inaalala. Nang magdesisyon siyang makipaghiwalay sa kaniyang asawa ay nagsama na sila ni Eve.


Inakala niyang ito na ang pinakamasayang yugto ng kaniyang buhay dahil sa talagang lahat ng pangangailangan niya bilang isang lalaki ay naibibigay lahat ni Eve. Ngunit hindi rin nagtagal ito, dumating din ang panahon na palagi na silang nag-aaway at hindi na sila nagkakaintindihan.

Sa kabila ng ginawa niya sa kaniyang unang pamilya ay hindi pa rin siya pinagbawalan ng dating asawa na makita at makasama ang kanilang mga anak. Hindi man siya palaging naroroon para sa kaniyang mga anak ay hindi naman siya nagmimintis na magbigay ng pinansiyal na suporta.

Ilang taon pa ang lumipas at hindi niya inaasahan na makikilala ng kaniyang dating asawa si Craig na siyang nagmahal ng buo dito at sa kanilang mga anak. Madalas niyang makita ang kaniyang dating asawa at mga anak kasama si Craig na masayang nagbabakasyon na tila ba isang buong pamilya.

Nakita niya rin ang nakakakilig na proposal na ginawa ni Craig sa kaniyang dating minamahal. Ikinasal sila at nakita niya kung gaano kamahal ng pamilya ni Craig ang kaniyang unang pamilya.

Pinagsisinihan na niya ngayon na iniwanan niya ang kaniyang dating asawa at dalawang anak para lamang sa ibang babae. At ngayon ay masaya na sila sa buhay nila ngayon nang hindi siya kapiling.




error: Content is protected !!