Iah Seraspi, naging cum laude at board topnotcher sa kabila ng labis na kahirapan sa buhay!



Bata pa lamang ay batid na niya ang hirap ng buhay. Ang kaniyang ama ay isang mangingisda habang ang kaniyang ina naman ay isang mabuting may bahay.

Ang kita ng kaniyang ama sa loob ng isang araw ay nasa 20 hanggang 50 piso lamang, hindi sapat para sa araw-araw nilang pagkain at pag-aaral. Ngunit kahit pa nga wala silang kuryente, tanging gasera at kandila lamang ang kaniyang liwanag habang nag-aaral ay nakapagtapos pa rin siya bilang isang salutatorian noong elementarya at isa namang valedictorian noong siya ay high school.

Naalala pa niya noon na masaya na silang buong pamilya kung ang ulam nila sa umaga ay asukal, talagang pakiramdam daw niya ay mayaman na sila ng mga panahong iyon. Madalas kasi ay asin at kanin lamang ang kanilang kinakain, sapat nang magkalasa ang kanilang kanin gamit ang kaunting asin.

Dumating ang panahon na kailangan na niyang mag-kolehiyo at nakapasa naman siya sa University of the Philippines College Admission Test (UPCAT). Ngunit problema niya pa rin ang gastusin kung sakaling magtutuloy siya rito.

Dahil dito ay minabuti niyang sa probinsiya na lamang siya mag-aral. Bago pa man ang nakatakdang enrollment nang taong iyon ay nakilala niya ang isang anghel na hulog ng langit sa kaniyang buhay, walang iba kundi si Deborah Esquejo Garcia na siyang nagtustos at tumulong sa kaniya sa kaniyang pag-aaral.

“Kinapalan ko na rin ang mukha ko. I showed her how determined I am to get a degree. They are naturally generous, and I was more than blessed that God sent them to me.” Pahayag ni Iah.

Dahil dito ay mas lalo pa siyang nagpursige hanggang sa makapagtapos siya ng cum laude at maging Top 2 topnotcher sa board exam. Dahil dito ay nakatanggap siya ng cash prize na siyang nagamit din niya para sa kaniyang pamilya at sa pagpapatayo niya ng munti nilang bahay na mas malaki kumpara sa kanilang kubo dati.




error: Content is protected !!