Isang Italyanong doktor nahuli matapos makitang walang saplot sa isang hotel kasama ang babaeng pasyente na diumano ay gagamutin niya sa pamamagitan ng pakikipagtalik!



Tiklo ang isang Italyanong doktor matapos siyang mahuli sa akto na nakahubad habang kasama ang isang babaeng pasyente sa isang hotel room. Nagpanggp ang babaeng ito na isang pasyente ngunit ang totoo ay isa siyang undercover agent.

Ang doktor na nakilala bilang si Dr. Giovanni Miniello ay 60 taong gulang na gynaecologist. Ayon sa doktor, ang kaniyang ari daw ay “magic flute” na ginagamit niya sa mga babae niyang pasyente.

Dalawang babae na ang unang nagsampa sa kaniya ng assaÜlt sa Southern City sa Bari. Ayon sa ilang mga ulat, nag-aalok daw ang doktor na “i- decontaminate” ang HPV sa undercover agent kahit pa nga nag-negatibo naman ito sa impeksyon.

Ang “investigative news programme na “Le Lene” ang siyang naghanda ng sitwasyong ito upang mahuli na ang doktor. Marami din ang nagulat nang ilarawan ng doktor ang kaniyang ari bilang “magic flute” at tinawag pa niya ang sarili niyang “Padre Pio of penises”.

Si Padre Pio ang 20th century priest na nakilala sa pagpapagaling nito. Mayroon pang ilang mga footage kung saan sinabi ng undercover agent na nais niyang magsuot ng proteksiyon ang doktor ngunit sinabi naman nito na hindi ito makakatulong upang tuluyan siyang gumaling.


Hindi niya raw kasi makukuha ang mga antibodies ng doktor na ito kung magsusuot ito ng proteksyon sa kanilang pagtatalik. Nang hihiga na sa kama ang doktor ay kaagad nang lumabas ang isang report at tinanong ang patungkol sa ginagawang panggagamot na ito ng doktor.

Hindi lamang inulit ng doktor ang kaniyang mga sinabi sa kaniyang pasyenteng undercover kundi nais pa niyang kuhanin ang kaniyang cellphone upang tawagan ang maraming mga kababaihan na diumano ay kaniyang napagaling. Ang isa sa mga pasyente ng doktor na ito ang siyang lumapit sa programa at sa mga pulis upang mahuli na ang pulis.

Si Anna Maria ay naging pasyente niya nang magpakonsulta ito dahil sa hindi siya makapagbuntis. Ayon sa doktor, kailangan niyang makipagtalik dito upang magamot ang babae.

Hinawakan din daw ng doktor ang kaniyang dibdib sa hindi kaaya-ayang paraan at sinabing gusto daw nito ang tamang sukat ng kaniyang dibdib. Dahil dito ay nagdesisyon na siyang humingi ng tulong sa mga otoridad.