98-anyos na lola, masigasig na binantayan ang kaniyang apo sa tuhod kahit pa antok na antok na ito!



Marami sa atin ang talagang palaki ng mga lolo at lola. Madalas kung mayroong trabaho o negosyo ang ating mga magulang noon, ang ating mga lolo at lola ang siyang nag-aalaga sa atin.

Dahil dito ay marami sa atin ang napalapit ng husto sa kanila. Talaga namang naramdaman natin ang tunay na pagmamahal at pagmamalasakit mula sa kanila.

Kamakailan lamang ay pinusuan ng maraming mga netizens ang larawan na ito ng isang lola na talagang binabantayan ng maigi ang kaniyang apo sa tuhod. Ayon sa netizen na si Hazel Salisid, Mayo 2021 nang nakuhanan ang larawan na ito nang siya ay makiusap sa kaniyang lola Rosario Ronolo na bantayan ang kaniyang anak saglit dahil mayroon siyang kailangang gawin.

“We just arrived from the hospital and I just gave birth that time. I asked my grandmother if she could watch over my baby since I was doing something then.” Pagsasalaysay ni Hazel.

Buong saya at buong puso naman daw itong sinang-ayunan ng kaniyang lola. Nang magbalik si Hazel ay nagulat siya dahil kahit halatang antok na antok na ang kaniyang lola ay matiyaga pa rin niyang binantayan ang sanggol.

Labis labis naman din ang pasasalamat ni Hazel dahil sa ginawang ito ng kaniyang lola para sa kaniyang anak.


“Even though my grandmother was already very sleepy, she was still determined to take care of her great-grandchild.” Dagdag pa ni Hazel.

Ang tanging hiling niya para sa kaniyang lola ay magkaroon pa ito ng mabuting kalusugan at mahabang buhay upang mas makasama pa nila siya ng mas matagal. Tunay nga na sobrang mahalaga sa atin ang ating mga lolo at lola kung kaya naman habang kapiling pa natin sila ay huwag tayong mag-atubili na ipakita at iparamdam sa kanila na mahal na mahal natin sila.

Hindi na rin naman nila nais ang mga materyal na bagay bagkus ay nais nilang magkaroon ng mas mahabang oras at panahon kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.