Isang nakakamanghang obra ng Pinoy, nagpabilib sa maraming mga netizens!



Maraming mga Pilipino ang talagang may naitatagong talento. Sa oras na mahinang nila ito at maipamalas sa publiko ay talaga namang nagdudulot ito ng inspirasyon sa publiko.

Maraming mga Pilipino sa ngayon ang nawalan ng trabaho dahil na rin sa pandemya. Ilang taon na rin tayong nakikibaka dito ngunit hindi pa rin tayo nawawalan ng pag-asa na darating din ang tamang panahon para sa lahat.

Habang marami pa sa atin ang nagsasakripisyo sa ngayon at pilit na bumabangon sa kabila ng hirap ng buhay, ay marami pa rin ang talagang nagsisilbing kalakasan at inspirasyon sa nakararami. Tulad na lamang ng isang talentadong Pinoy na ito na nakilala bilang si Levy A.F. Moncera.

Siya ang may likha ng isang napakagandang obra na aakalain mo pa ngang totoong pangyayari talaga dahil sa sobrang detalyado ang lahat. Talagang nag-trending ang acrylic painting niya na ito na may titulong “sari sari.”

Makikita sa painting na ito ang isang simpleng araw sa isang tindahan na madalas din nating makita sa araw-araw. Maaaring sa ilang mga pamilihan o palengke o di kaya naman ay sa labas lamang ng ating tahanan.
Bawat detalye ng naturang painting ay talagang kitang-kita. Kahit pa nga i-zoom ang larawan ay kapansin-pansin talaga ang napakagandang pagkakagawa dito.

Ayon sa talentadong pintor na si Moncera ay 33 araw daw niya itong ginawa. Dahil pastel daw ang kaniyang ginamit na medium ay gumamit din daw siya ng cotton buds at daliri upang maikalat ang kulay ng napakaganda niyang obra.

Sa ngayon ay nasa higit 80,000 na ang reactions at higit 30,000 na ang share ng kaniyang post habang isinusulat ang artikulong ito. Tatlong araw matapos mai-post ang kaniyang painting sa Facebook group na Filipino Painters, Sculptors, Artists & Enthusiasts.

Tunay ngang talentado ang mga Pilipino. Hindi lamang nila naibabahagi ang kanilang talento sa publiko, nakapagdudulot pa sila ng kagalakan sa maraming mga Pilipino sa gitna ng pandemyang ito.




error: Content is protected !!