Isang ama ang nagsuspetsa sa kaniyang limang taong gulang na anak dahil sa sobrang ganda nito kung kaya naman nagdesisyon siyang ipa-DNA test ito!



Marahil ay madalas na nating naririnig ngayon sa mga nakatatanda na ang mga anak talaga ang siyang nagbubuklod at mas nagpapatibay sa pagsasama ng mag-asawa. Kung kaya naman kakaibang ligaya din talaga ang ating nararamdaman sa oras na malaman nating tayo ay magkakaroon na ng anak.

Talagang nagsusumikap tayo ng husto upang maging ligtas ang pagbubuntis at panganganak. Gayundin naman ay hindi rin biro ang gastusin na kailangang paghandaan sa oras na magkaroon na tayo ng anak.

Ngunit ano nga kaya ang mararamdaman natin kung sakaling malaman natin na ang anak na pinalaki at minahal natin sa loob ng maraming taon ay tila hindi natin kamukha o pakiramdam natin ay hindi natin tunay na anak? Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang kwento na ito ng isang ama na nakilala bilang si Xu.

Siya ay mayroong anak na babae, limang taong gulang at talaga namang napakaganda at napakakinis nito. Mala-anghel ang kaniyang hitsura kung kaya naman minsan ay hindi maiwasan ni Xu na magtaka at magsuspetsa kung tunay nga niyang anak ito.

Palagi silang nakakatanggap ng papuri mula sa publiko na ang kanilang anak ay isinilang nang sobrang ganda. Hindi rin kasi niya kamukha ang kaniyang anak at hindi na siya natutuwa sa mga taong nagkakalat ng mga salitang hindi maganda tungkol sa kaniya at sa kaniyang anak kung kaya naman nagdesisyon na siyang ipa-DNA test ito.

Laking gulat na lamang niya nang malaman na ang anak niya pala ay hindi niya tunay na anak! Tila ba gumuho ang kaniyang mundo kung kaya naman agad niyang kinausap ang kaniyang misis kung ito ba ay mayroong ibang lalaki.

Nangako naman ang kaniyang asawa na talagang wala itong ibang lalaki at kailan man ay hindi ito nagloko sa kaniya. Nang magkausap sila ng maayos ay napag-alaman nila ang posibilidad na naipalit sa ospital mismo ang tunay nilang anak sa anak na mayroon sila ngayon.




error: Content is protected !!