74-anyos na lola naglalako pa rin ng ice cream kahit maedad na kung kaya naman tinaguriang siyang “Super Lola”!



Marami ang talagang bumilib at namangha sa 74 taong gulang na lola na ito dahil sa kaniyang edad ay nakakapaglako pa siya ng mga paninda niyang ice cream sa apat na barangay sa kanilang lugar. Siya ay nakilala bilang si Lola Angeles Merin na binansagan ding “Super Lola” dahil sa kaniyang pambihirang determinasyon at pagpupursige sa buhay.

Hindi lamang siya isang babae na masigasig na nagtatrabaho dahil isa na rin siyang senior citizen. Mas marami pa ang naantig sa kwento ni Lola nang ibahagi nitong ang kaniyang asawa pala ay hindi na kayang kumilos pa dahil ito ay na-stroke na.

Walang iang magawa si Lola Angeles kundi ang magbanat ng buto para sa kaniyang pamilya. Kailangan nila ng pangkain at panggastos sa araw-araw kung kaya naman bawat kita niya sa pagtitinda ng ice cream ay talaga namang napakahalaga.


Naglilibot talaga siya at nagtitiyagang maglakad sa ilang mga lugar sa bayan ng Bulacan upang maubos niya ang kaniyang mga paninda sa loob ng isang araw. Ayon din sa matanda, hindi raw talaga biro ang trabaho niyang ito dahil sa kaniyang edad ay nakakaramdam na talaga siya ng pananakit ng likod at katawan.

Hindi pa kasama ang hirap sa pabago-bagong panahon na minsan ay sobrang init ng sikat ng araw ngunit maya-maya lamang ay uulan na ng malakas. Buti na lamang at hindi raw siya nagkakasakit dahil dito.

Nang makarating naman sa “Unang Hirit” ang kwentong ito ng Super Lola ay nabigyan siya ng mga groceries na naging malaking tulong para sa kaniyang pamilya. Pambihira talaga ang pagsasakripisyong ginagawa niya para lamang makaraos ang kaniyang pamilya sa araw-araw.

Sana balang-araw ay mayroon ding mabuting taong makatulong sa kaniya at sa kaniyang asawa upang magkaroon na lamang ng maayos na tahanan at kabuhayan na hindi na kailangang maglako pa o umalis pa ng kanilang tirahan.




error: Content is protected !!