Categories: Viral

Isang batang estudyante ang ginawan ng kaniyang ama ng isang bag na gawa sa abaca dahil wala silang pambili ng bagong bag!

Kamakailan lamang ay isang batang lalaki na mula sa Battambang Province, Cambodia ang nakilala ng publiko matapos na ibahagi ng kaniyang guro ang kaniyang kwento. Mahirap lamang sila at talaga namang maging sa araw-araw na pangkain pa lamang ay hirap na ang kaniyang mga magulang na suportahan ang kanilang pamilya.

Hindi naging hadlang ang matinding kahirapan upang hayaan ng kaniyang ama na wala siyang bag sa eskwela. Nakatanggap kasi ang estudyanteng si Ny Keng na mula sa unang baitang ng Lumphat Primary School ng isang maayos na bag mula sa kaniyang ama.

Nais daw mapasaya ng kaniyang ama si Ny Keng kung kaya naman siya na mismo ang gumawa ng bag mula sa fibrous plant na abaca. Makikita sa mga larawang ibinahagi ng guro ng bata kung gaano kapulido at kung gaano kahusay ang pagkakahabi ng kaniyang ama sa kaniyang bag.

Ang guro ay nakilala bilang si Sophous Suon, ayon sa kaniya ay labis daw siyang namangha sa kung paano nagawa ng ama ng kaniyang estudyante ang naturang bag. Kulay asul ang bagong bag ni Ny Keng na gawa mismo ng kaniyang ama.

Mayroon din itong maliit na lock at mayroon ding strap na tulad din naman ng ibang bag. Hindi man mahal ang bag na ito ay masayang masaya pa rin siya dahil sa ito ay gawa mismo ng kaniyang pinakamamahal na ama.

Mapalad siya dahil mayroon siyang isang magulang na handang gawin ang lahat para sa kaniya. Hindi lahat tayo ay mayroong mga magulang na katulad ng kay Ny Keng kung kaya naman dapat ay maging mapagpasalamat tayo sa mga bagay na binibigay ng ating mga magulang para sa atin.

Hindi natin dapat ipagwalang-bahala ang kanilang sakripisyo para sa atin at para sa ating kinabukasan. At sa oras naman na maging mga ganap na tayong magulang sa pagdating ng panahon ay mas magiging handa tayo at mas magiging mapagmahal sa ating mga anak.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago