Isang magsasaka matapat na nagsauli ng kaniyang napulot na perang nagkakahalaga ng Php133,000!



Sa panahon natin ngayon, marami na tayong nababalitaan na mga nawawalan ng pitaka o ng bag na naglalaman ng mahahalagang bagay tulad ng mga IDs, dokumento, o di kaya naman ay pera. Marami din naman sa atin ang nagkakaroon ng pambihirang pagkakataon na matagpuan o mapulot ang ilan sa mga ito.

Nasa sa atin na lamang nga talaga kung ito ay ating isasauli o di kaya naman ay aangkinin na lamang. Sa hirap ng buhay natin ngayon ay marahil maraming magsasabi na hindi na masamang hindi isauli kung sakaling nakapulot tayo ng pitaka o bag na may lamang gadget o pera.

Ngunit para sa isang magsasaka mula sa Benguet, batid niyang hindi sa kaniya at hindi niya pinaghirapan ang pera na kaniyang napulot kung kaya naman wala siyang interes na ito ay angkinin o gastusin. Ang “honest farmer” ay nakilala bilang si Mando Baniwas Alonzo.


Siya ang aksidenteng nakakita at nakapulot ng isang bag sa daan na nagkakahalaga ng Php133,800.77. Ayon kay Mando ay napulot niya raw ang pera na ito habang siya ay naglalakad sa Sitio Sayatan, Baayan noong Disyembre 25, 2020.

Nang mapansin niya ang isang bag sa daan ay nagtaka siya kung ano ang laman nito kung kaya naman agad niyang tiningnan at laking gulat niya nang tumambad sa kaniya ang malaking halaga ng salapi. Sa halip na angkinin ang pera ay agad siyang nagtungo sa Tublay, Benguet Municipal Police Station at doon niya isinilaysay ang nangyari.

Dahil mayroon namang driver’s license sa bag ay agad nilang natagpuan ang may-ari nito. Dahil sa pambihirang katapatan ni Mando ay marami na ang tumawag sa kaniya bilang “Honest farmer ng Benguet”.

Para naman kay Mando, hindi niya nais pag-interesan ang perang ito kahit gaano pa ito kalaki dahil hindi niya naman ito pinaghirapan. Batid din niyang nag-aalala na ng husto ang taong nagmamay-ari nito dahil tiyak na mayroon siyang paggagamitan ng perang ito.




error: Content is protected !!