Isang hero dog na hindi iniwanan ang kaniyang mga amo sa loob nang nasusunog nilang bahay, umantig sa puso ng publiko!



Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang pagkakaroon ng mga alagang hayop. Marami sa atin ang certified pet lover.

Kahit nga sa ating pagtulog ay talagang kasa-kasama natin sila. Marami din naman kasi talagang mga malalambing at mga mababait na alagang hayop ngayon.

Kamakailan lamang ay nagulat ang marami nang mabalita ang kwento ng isang Husky na nagngangalang Ahjin. Nang nasusunog kasi ang kanilang tahanan ay hindi ito natakot na sumama sa kaniyang owner na si Daddy Amo o nakilala rin bilang si Ronnie Balingbing Madredeo.

Ililigtas kasi nito ang kaniyang asawa na si Roan na naiwanan sa kanilang kwarto. Kahit may tamo nang pinsala noon si Daddy Amo ay talagang pinuntahan pa niya sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ang kaniyang misis na si Roan na kasalukuyang hindi mabuksa ang kanilang nagliliyab na sliding door.

Buong tapang namang tumulong si Ahjin at ginamit ang kaniyang ilong upang mabuksan ang naturang pintuan. Ito ang naging dahilan upang masunog ang bahagi na ito ng kaniyang mukha. Dahil sa nangyari ay hindi rin kaagad na nakalabas si Ahjin ng kwarto.

Nagtago ito sa isang sulok kung saan siya ay nakalanghap ng maraming usok, naging manipis rin ang kaniyang balahibo dahil sa sunog at ang kaniyang mata ay nagkaroon din ng sugat. Sa kasamaang-palad ay nasawi ang kaniyang Daddy Amo dahil sa 90% o 3rd degree burn na kaniyang natamo sa nangyaring sunog.

Naisugod pa siya sa ospital ngunit makalipas ang limang araw ay hindi na kinaya ng kaniyang katawan at tuluyan na itong sumuko. Talagang malapit si Ahjin sa kaniyang owner na si Daddy Amo.

Kahit abala daw ito sa kaniyang trabaho ay palagi siyang may panahon sa kaniyang alaga. Madalas niya itong yakapin, kargahin, at itabi sa kaniyang pagtulog.

Si Ahjin ay nagkaroon ng depresyon at trauma sa nangyari. Kakaunti lamang ang kaniyang kinakain at hindi umaalis sa tabi ng kabaong ng kaniyang Daddy Amo.

Tila ramdam na niyang ito na ang huling pagkakataon na makakasama niya ang kaniyang matalik na kaibigan at owner.




error: Content is protected !!