Isang nanay na OFW, pinagmumura ng kaniyang anak dahil sa hindi kaagad nakapagpadala ng pera sa mga ito!



Walang magulang na makakatiis sa kanilang mga anak. Ang mga magulang kasi ay walang ibang nais kundi ang ikaaayos at ikabubuti ng kanilang mga anak.

Kung kaya naman marami talaga sa mga magulang natin ang nagdedesisyon na lamang magtrabaho sa ibang bansa upang kahit papaano ay kumita ng malaki roon. Kung dito kasi sa Pilipinas ay talagang hirap ang magkaroon ng mataas na posisyon at malaking kita lalo na kung hindi naman tayo nakapagtapos ng kolehiyo at kumuha ng master’s degree.

Nakakalungkot lamang isipin na madalas ay nakakaligtaan na nating bigyan ng halaga ang mga magulang natin na nagpapakahirap sa ibang bansa para lamang maibigay ang lahat ng ating pangangailangan.

Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang talagang nagalit at nainis sa isang anak na ito ng nanay na OFW matapos niyang murahin at pagsalitaan ng masasakit na salita ang kaniyang ina dahil lamang sa hindi nito kaaagad naipadala ang pera na hinihingi niya.


Ayon sa mga screenshot ng kanilang pag-uusap ay hindi pinayagan ng amo ng OFW na lumabas pa siya mag-isa at kailangan niyang hintayin ang kanilang driver. Ilang masasakit na salita din ang binitawan ng anak sa kaniyang ina na walang ibang iniisip at inuna kundi ang kaniyang anak.

Talaga namang nasaktan ng husto ang ina sa ginawang ito ng kaniyang anak sa kaniya dahil sa kabila ng kaniyang pagsasakripisyo at paghihirap sa ibang bansa ay tila hindi man lamang siya nirerespeto ng kaniyang anak. Marami ding mga netizens ang talagang galit na galit sa anak na walang utang na loob at walang respeto sa kaniyang ina.

Marapat lamang na turuan ito ng leksyon upang maisip niyang hindi tama ang kaniyang ginagawa sa kaniyang ina. Marahil ay masyado na rin itong umasa at dumepende sa kaniyang ina kung kaya naman ganoon na lamang niya ito kung bastusin.

Nakakalungkot at nakakagalit ngunit dapat nating isapuso na kahit kailan, hindi natin ito dapat gawin sa ating mga magulang na siyang nagpalaki at nagbigay ng lahat ng pangangailangan natin buhat ng tayo ay nasa sinapupunan pa lamang ng ating ina.




error: Content is protected !!