Categories: Viral

Limang magkakaibigan, sabay-sabay na nagbuntis na ikinagulat din nilang lahat!

Ang pagkakaroon ng isang tunay at totoong kaibigan ay talaga namang maituturing na biyaya mula sa Diyos. Hindi madali ang makahanap ng tunay na mga kaibigan na talagang susuporta, tatanggap, at magmamahal sa iyo kung sino ka talaga.

Kung kaya naman kung mayroon kang mga tunay na kaibigan, pahalagahan at ingatan mo sila. Kamakailan lamang ay mayroong limang matalik na magkakaibigan na nagkasabay-sabay pala ng pagdadalang-tao.

Noong una ay hindi pa talaga nila inaamin sa isa’t-isa hanggang sa mayroong isa sa kanila ang hindi na nakatiis at sinabi nang siya ay buntis. Sunod sunod na rin silang umamin na maging sila ay buntis na rin.

Ang ilan sa kanila ay pangalawang anak na ito dahil mayroon na silang panganay na mga anak na hindi rin nagkakalayo ng edad. Isa sa mga magkakaibigan si Cherley Mae Nicolas ang nagpaunlak ng isang interview kung saan ibinahagi niya ang kakaibang karanasan nilang magkaibigan.


Hindi raw talaga nila sinadya o plinano ang kanilang pagbubuntis, maging silang lima ay nagulat din daw sa kanilang natuklasan. Masayang masaya din naman daw ang bawat isa dahil sa pangyayaring ito.

Nais din daw nilang maging malapit sa isa’t-isa ang kanilang mga anak tulad nila. Kung kaya naman excited na rin ang bawat isa sa kanila na magsilang. Maging ang photographer nila sa kanilang group maternity photoshoot na si Marvin Ponce ay nagulat din sa kaganapan na ito.

Ito raw kasi ang unang beses na magkaroon siya ng group maternity photoshoot ng matalik na magkakaibigang sabay-sabay nagbuntis. Tunay nga na napakagandang biyaya rin mula sa Diyos ang pagkakaroon ng supling kahit gaano pa kadami ang pagsubok na nararanasan natin sa ngayon.

Hindi man madali ang pagbubuntis at panganganak ngunit lagi sana nating tatandaan na ang buhay ay sa Diyos at nalulugod ang Diyos sa mga munting sanggol na ito na kalaunan ay lalaki rin at sasampalataya sa Kaniya.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago