Sila pala ang mga sikat na personalidad na hindi pumasa kay Mommy Divine para sa anak nitong si Sarah Geronimo!



Si Sarah Asher Tua Geronimo-Guidicelli o mas hinangaan natin bilang si Sarah Geronimo ay 33 taong gulang na aktres at mang-aawit. Taong 2002 nang siya ay sumikat nang manalo siya sa “Star for a Night”. Marami ang humahanga sa kaniya hanggang ngayon dahil sa pambihirang talento niya sa pag-arte at pag-awit. Taong 2020 nang siya ay ikasal sa kaniyang longtime boyfriend na si Matteo Guidicelli sa isang private ceremony sa The Fort. Naging usap-usapan din ito sa social media dahil sa hindi pala ito alam ng kaniyang ina na Mommy Divine. Noon pa man ay batid na ng mga masugid na tagahanga ni Sarah na talagang mahigpit ang kaniyang ina hindi lamang sa pinansiyal na aspeto ng kaniyang karera kundi lalo na pagdating sa mga sikat na personalidad na nali-link sa kaniya. Narito ang ilan sa mga kilalang personalidad na hindi pumasa kay Mommy Divine para kay Sarah.

MARK BAUTISTA


Siya ay 38 taong gulang na singer, commercial model at aktor. Sita ang kauna-unahang nakatrabaho noon ni Sarah, umamin din siyang nais niyang ligawan ang singer ngunit kalaunan ay umamin na rin ito tungkol sa tunay niyang kasarian. Sa ngayon ay matalik na magkaibigan pa rin ang dalawa.

JOHN LLOYD CRUZ


Taong 2006 ay naging magkatrabaho sina John Lloyd at Sarah sa isang episode ng MMK. Taong 2008 nang magkaroon ulit ng proyekto ang dalawa kung saan sila mismo ang mga naging bida. Minsan na nilang inamin noon na mayroon silang crush sa isa’t-isa ngunit hindi na ito nagkaroon pa ng pagkakataon dahil sa kanilang mga commitments noon.

RAYVER CRUZ


Marami ang nagulat nang mapabalita ang diumano ay pagkakaroon ng relasyon ng Kapuso hunk actor na si Rayver Cruz at Sarah Geronimo. Bata pa raw sila noon at hindi na nila inilabas pa ito sa publiko. Hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon dahil hindi rin payag dito ang ina ni Sarah na si Mommy Divine.

GERALD ANDERSON


Naging magkatrabaho sina Sarah at Gerald noon sa pelikulang “Catch Me I’m Falling”. Inamin ng aktor na crush niya si Sarah nang mga panahon na iyon at plano niya sanang ligawan ito. Ngunit hindi rin ito natuloy dahil sa pagtutol ni Mommy Divine.

SAM MILBY


Naging magkatrabaho sina Sarah at Sam noon sa TV show na “Idol”. Pagkatapos ng pagkakasama nila sa proyektong ito ay kumalat ang balitang may gusto si Sam kay Sarah ngunit hindi na rin ito lumalim pa dahil kay Mommy Divine.

COCO MARTIN


Nagkasama rin ang dalawa sa “Idol”. Katulad ng ibang mga sikat na personalidad ay nagka-crush din si Coco kay Sarah ngunit hindi rin nito naligawan ang dalaga dahil kay Mommy Divine.

MATTEO GUIDICELLI


Si Matteo naman ang huling naging nobyo ni Sarah. Sa loob ng anim na taong relasyon nila bilang magkasintahan ay pinatunayan nilang mas pinatatag sila ang panahon at mas minahal nila ang isa’t-isa dahil sa mga pagsubok na kanilang pinagdaanan. Tutol din sa kanilang pagpapakasal si Mommy Divine ngunit nagdesisyon si Sarah na sundin ang kaniyang puso sa pagkakataong ito. Sa ngayon ay masaya na rin ang dalawa sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Marami ang nagdarasal na sana ay dumating din ang panahon na matanggap din sila ni Mommy Divine dahil wala rin namang ibang nais pa ang mag-asawa kundi ang magkaayos ang kanilang mga pamilya. Lalo na ngayon na nagsisimula na rin silang bumuo ng sarili nilang pamilya.

Marami man ang naging isyu patungkol sa relasyon nina Matteo at Sarah, pinatunayan lamang nila na bandang huli ay nasa kanila pa rin ang huling desisyon lalo na at nasa wastong edad na rin naman sila. Kung mayroon mang mga bagay na hindi pa nila naayos sa ngayon ay ipinagdarasal pa rin nila itong maging maayos sa tamang panahon.




error: Content is protected !!