Categories: Viral

Herlene Budol, nadala nang magpautang sa iba dahil ang ending ay tila siya pa ang mali!

Si Herlene Nicole Budol ay 22 taong gulang na aktres, host, modelo, entreprenyur, at komedyante. Marami ang natuwa sa kaniya noon nang minsan siyang sumalang sa segment ng Wowowin na “Willie of Fortune”.

Ang host mismo ng programa na si Willie Revillame ang nagdesisyon na gawin siyang isang regular na host ng programa dahil sa pagiging masayahin at talento nito. Dahil sa pandemya ay talagang maraming mga pamilya ang naapektuhan.

Dahil sa breadwinner si Herlene ay labis din siyang naapektuhan lalo na at hanggang sa ngayon ay nag-aaral pa din siya. Buti na lamang at marami pa rin ang tumulong sa kaniya.

Kamakailan lamang ay mayroong ibinahaging paksa si Herlene sa kaniyang Instagram story. Ayon sa kaniya, isa raw sa kaniyang mga natutunan sa buhay ay hindi na siya muli pang magpapautang.

Ito ay sa kadahilanang nakakahiya raw ang maningil at bandang huli ay ikaw pa mismo ang lalabas na mali. Maraming mga Pilipino din ang naka-relate sa ibinahaging ito ni Herlene.

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami na tayong mga Pilipino ay talagang malapit sa ating mga kamag-anak. Madalas ay hindi tayo makatanggi lalo na kung mayroon silang kahilingan o pabor sa atin.

Madalas ay nanghihiram sila ng gamit o di kaya naman ay pera. Nakakalungkot mang isipin ngunit kadalasan ay hindi na naisasauli pa ang perang nahiram na.

Ang mas nakakalungkot pa rito ay tila ba kung sino pa ang nangutang, nangako, at hindi makabayad ay siya pa ang galit na galit sa taong nagpahiram at nagmalasakit sa kaniya. Marami na sa atin ang nakakaranas ng ganito kung kaya naman sa ngayon ay mas marami na rin ang umiiwas sa mga kakilala, kaibigan, o kamag-anak natin na mayroong ganitong pag-uugali.

Wala namang masama na mangutang at magpautang ngunit madalas ay nakakasama pa ito at nakakasira ng relasyon kaysa magbunga ng positibong bagay.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago