Kilalanin ang Marian Rivera look-alike na si Lea Dumortier na talagang may mala-Diyosa ring kagandahan!



Si Marian Rivera Gracia-Dantes o mas nakilala natin bilang si Marian Rivera ay 37 taong gulang na recording artist, aktres, business woman, at commercial model. Marami na siyang nagawang proyekto tulad na lamang ng “MariMar”, “Dyesebel”, “Amaya”, “Darna” at “Temptation of Wife”.

Talaga namang naipamalas niya ang pambihira niyang talento sa pag-arte sa mga teleserye niyang ito. Hindi rin maipagkakaila na sa kaniyang edad ay siya pa rin ang isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz.

Napakaganda pa rin niya at napakaseksi kahit na siya ay mayroon nang dalawang anak sa mister niyang si Dingdong Dantes. Ang kanilang anak ay nagmana rin sa kanilang kagandahan at kagwapuhang mag-asawa.

Si Zia ang kanilang panganay na ngayon ay anim na taong gulang na. Habang si Ziggy naman ay dalawang taong gulang na. Dahil sa dami ng mga fans ni Marian ay hindi na nakapagtatakang marami ang makapansin sa isang French-Taiwanese teenager na talaga namang malaki ang pagkakamukha sa aktres.

Siya ay walang iba kundi si Lea Dumortier. Oktubre 2019 nang siya ay makita ng ilang fans ni Marian sa Instagram nito.

Marami ding nagsasabi na kahawig niya rin sina Carla Abellana at Antoinette Taus. Enero 2020 naman nang magbahagi ng isang TikTok video si Lea kung saan nilagyan niya ito ng caption na “because I get so many Marian Rivera comments.”

Si Lea ay isang 19 na taong gulang na sophomore student sa University of California sa Berkeley. Mayroon siyang isang negosyo katuwang ang kaniyang kapatid na si Chloe. Dalawang taon na rin ang negosyo nilang Léa et Chloé sa Pasadena, California.

Ayon sa kaniyang profile ay marunong din itong magsalita ng apat na lengguwahe – Mandarin, English, French, at Taiwanese. Tunay nga na malaki ang pagkakahawig niya kay Marian Rivera. Napakaganda rin niya at talaga namang inspirasyon sa maraming mga kabataang tulad niya.