Matapos maglihi sa sabon noong siya ay buntis, nagrereview na ng iba’t-ibang brand ng sabon ang babaeng ito depende sa kaniyang panlasa!



Batid naman natin na hindi biro ang pagbubuntis. Talagang matinding sakripisyo ang kailangan nating gawin at pagdaanan para lamang masigurado na ligtas ang nanay at ang sanggol sa panahon ng pagbubuntis hanggang sa panganganak.

Isa na marahil sa ilang mga sensyales ng pagbubuntis ay ang “cravings” o ang pananakam sa ilang mga inumin o pagkain. Maraming mga kababaihan ang nakakaranas nito at marami din namang mga mister ang todo-suporta sa kanilang mga misis sa ganitong panahon.

Madalas na pinaglilihihan ng mga babaeng buntis ang hilaw na mangga o di kaya naman ay iba’t-ibang putahe ng ulam at iba pang uri ng pagkain. Ngunit para sa isang babaeng mula sa Indonesia, tila mayroon siyang kakaibang pinaglihihan noong siya ay nagbuntis dalawang taon na ang nakararaan.

Sabon na pampaligo kasi ang nakapukaw sa kaniyang atensyon nang minsang siya ay naliligo, aksidenteng natikman niya ang kanilang sabon na agad naman niyang nagustuhan ang lasa. Nahihiya siya sa kaniyang asawa kung kaya naman inilihim niya ito sa kaniya.

Simula noon ay palagi na niyang ginagawa ang pagtikim sa kanilang sabon na pampaligo. Hindi naman daw ito nakasama sa kaniyang sanggol ayon kay Khosik Assyifa na mula sa East Java province ng Indonesia.
Kalaunan ay hindi na lamang niya dinidilaan o sinisipsip ang sabon kundi kinakain na rin niya! Ang kaniyang video ay umani na ng higit sa 270,000 views sa Instagram.

Marami din ang nagpayo sa kaniya na subukan niyang gumawa ng video kung saan ire-review niya ang iba’t-ibang brand ng sabon depende sa kaniyang panlasa! Marami ang namangha sa kaniya ngunit mas marami din naman ang talagang nag-alala dahil hindi naman talaga dapat kainin ang sabon na pampaligo.

Tunay nga na napakaraming kakaibang bagay sa mundo hanggang ngayon. Nakapagtataka, nakakamangha at nakakabilib ngunit huwag sana nating kalimutan na maging responsable din tayo sa mga bagay na ibinahagi natin online dahil mas marami nang mga kabataan ngayon ang babad dito.

Mas mabuting makapagpalaganap tayo ng wastong impormasyon para sa kanila at hindi mga bagay na maaari nilang ikapahamak sa hinaharap.


Similar Articles

Comments

LATEST POST