Isang OFW, naging isang delivery rider upang i-prank ang kaniyang mga magulang sa pag-uwi nito!

Maraming mga Overseas Filipino Workers (OFW) ngayon ang hindi makauwi sa kanilang mga tahanan. Marahil ay dahil pa rin sa pandemya o di kaya naman ay talagang pinipili na muna nilang makaipon ng husto sa ibang bansa upang sa kanilang pag-uwi ay hindi na sila muling aalis pa.

Nakakalungkot man at talagang maraming sakripisyo, hindi ito alintana ng marami nating kababayan, masuportahan lamang ang kanilang mga mahal sa buhay. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang ginawang prank ng isang OFW na ito sa kaniyang mga magulang.

Ang alam kasi ng kaniyang pamilya ay hindi pa siya makakauwi dahil na rin sa pandemya na nararanasan natin sa ngayon. Ngunit gumawa siya ng kakaibang pakulo upang maging espesyal ang kaniyang pag-uwi sa kaniyang pamilya.

Ang OFW na ito ay nakilala bilang si Sharmaine Santos. Nagpanggap pa siya bilang isang Shopee delivery rider na mayroong ide-deliver sa kaniyang mga magulang.

Ito ay nagkakahalaga ng P4,900. Matalino ang kaniyang ina na hindi talaga pumayag na bayaran ito dahil wala naman daw umorder sa kanila nito.

Marahil ay batid na rin niya ang mga kalokahan ngayon at modus ng mga masasamang-loob kung kaya naman talagang nagmatigas ito na hindi talaga nila ito inorder. Humiling na lamang si Sharmaine ng larawan na nagpapatunay na hindi na nila kukunin ang package.

Naghubad ng helmet si Sharmaine para sa diumano ay pagpapa-picture nito. Hindi naman agad nakita ng kaniyang ina ang mukha niya at nang madiskubre ng nanay niya na siya pala ay si Sharmaine.

Naging emosyonal at talagang naluha ang kaniyang anak dahil sa miss na miss na rin niya talaga ang kaniyang anak. Sa gitna ng pandemyang ito ay malaki pa rin ang pasasalamat ng buong pamilya ni Sharmaine dahil nakauwi siya ng buo at ligtas sa kanila.

Tunay nga na hindi nababalewala ang sakripisyo ng mga OFW para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Similar Articles

Comments

LATEST POST