Pagnanais ng isang bata na mayakap ang amang nasa kulungan, pinayagan ng pulis!

Maraming netizen ang napukaw ang damdamin sa post ng isang netizen na ‘Flavio Ang Panday’ sa Facebook account nito. Isang munting bata ang napagbigyan ang hiling na mayakap ang kanyang ama.

Sinalaysay ng netizen ang naging pag-uusap nila ng bata patungkol sa kahilingan ng musmos.
“Sir mamang Pulis… Pwede kopo bang mayakap ang aking papa??? Mis na mis ko napo kasi siya pwede niyo ba siyang palayain na?????” saad umano ng paslit.

Tinanong din ng bata kung maaari bang palayain na ama, ngunit ipinaliwanag ng pulis na di ito maaari at ang kinauukulan lamang ang makapagdedesisyon ukol dito.
“naku ading hindi kasi pwede eh, husgado kasi ang magpapasya pero sige halika para hindi namamagitan ang rehas sa pag yakap sa iyong papa buksan ko nalang saglit at yakapin mo siya para tugon sa iyong mumunting hiling…”

Tila naiintindihan ng bata ang pagpapaliwanag ng pulis kahit na ito’y nasa murang edad pa lang.
Sa kabila nito ay labis naman ang kasiyahan ng bata ng mapagbigyan itong muling mayakap ang kanyang ama.
Lubos ang pasasalamat ng bata sa pulis at umalis itong masaya kasama ang kanyang ina.

Ang nasabing pulis ay nais magparating ng mensahe na kahit may di magagandang imahe ang ilan sa kanyang mga kabaro ay mayroon parin namang may mabuting puso at pantay-pantay ang pagtingin sa bawat tao.

Sa pagsasalaysay pa ng pulis,
“Matapang naman talaga ang tagapag patupad ng batas ngunit may puso rin at May pakiramdam kami… Kahit anu pa ang nagawa ng taong lumabag sa batas sadya talagang may puso kami at sila na bilanggo ay may karapatan parin kahit bilango at tanging Panginoon lang ang magpapasya balang araw pag dumating na ang takdang araw.”

Hanggang ngayon ay napakarami paring mga netizen ang humahanga at sumasaludo sa kabutihang loob at pagmamalasakit ni “Flavio Ang Panday”.

Ito ang ilan sa mga komento at papuri ng mga netizen:

Tunay na inspirasyon at kahanga-hanga ang pulis na ito. Mabuhay ka!

Similar Articles

Comments

LATEST POST