Unica hija ni Dawn Zulueta, namana ang kagandahan ng aktres. Umani ng papuri mula sa madla!

Si Dawn Zulueta ay tanyag parin hanggang ngayon na aktres dito sa Pilipinas dahil sa galing nito sa pag-arte at isa sa naging pinaka in-demand na leading lady noong 90’s. Isa pa sa talaga namang hinahangaan ng lahat sa kanyang ay ang angkin niyang kagandahan na walang kupas kahit na siya ay nasa 50 na kaya siya tinaguriang “timeless beauty”.

Ang kagandahan ng aktres ay naipamana niya sa kanyang anak na ngayon ay napansin ng mga netizen.

Nagdiwang ng ika-12 kaarawan ang unica hija ni Marie Rachel Salman Lagdameo o mas kilala ng lahat bilang si Dawn Zulueta.

Di maikakaila at kitang-kita ang pagkakahawig ni Ayisha Madlen Lagdameo sa kanyang walang kupas sa kagandahang ina.

Lalaki ang isa pang anak ni Dawn at ng asawa nitong si Antonio Lagdameo Jr. bukod kay Ayisha.

Nagbigay ng mensahe si Dawn sa kanyang anak noong magdiwang ito ng kaarawan. Bukod dito ay kasama rin ang ilang mga larawan nila na ibinagi ng aktres sa social media account nito.
[three flower emoji] We wish you a birthday that is beautiful, incredible, and unique as you are. Happy 12th birthday, dearest Ayisha [three birthday cake emoji] I love you so much… #iloveyouayisha#22june”

Marami ring mga netizen ang nagpahayag ng kanilang pagbati sa dalaga kasabay nito ay pinuri rin ang kagandahan ng anak ng aktres na lalong namukadkad dahil sa pagdadalaga niya.

Hindi maitatanggi na sa murang edad ni Ayisha ay kalook alike na ng kanyang ina at di imposibleng kapag nasa hustong edad na siya ay magiging kasing ganda rin niya si Dawn Zulueta.

Mayroon namang ibang netizens na napansin ang magkaibang kagandahang taglay ng mag-ina dahil si Dawn ay mestiza at si Atisha naman ay morena.


Ito ang ilan sa mga komento ng netizens;
“Hindi sila magka mukang mag ina..maganda din ang anak ni dawn zulueta..pero iba ganda ni dawn..” – Princebors

“Happy birthday ayisha… the carbon copy of mama… both gorgeous”

“Happy birthday, Ayisha! Stay beautiful inside and out!”

“She is very beautiful like mother, and I do think that parents are against for her to join showbusiness, she does not have to, they are already rich, if that’s the case, good for choice. BTW kasibg edad ko at ka bday rin si Ms Dawn 1969 kami pareho . Belated sa ating dalawa kahapon.” – Ch Es

Similar Articles

Comments

LATEST POST