Lumaki sa iskwater noon, negosyante na ngayon!



Isa ng matagumpay na negosyante ang netizen na ito na nagbahagi ng kanyang kwento at talaga namang maiinspire ka at lalong magpupursige sa buhay.
Mas nakakahikayat gayahin ito ng mga kabataan ngayon.

Ibinahagi rin ng negosyante ang mga pagsisikap at sakripisyo niyang pinagdaanan sa pag-abot ng tagumpay na tinatamasa niya.

Sa Facebook page na ‘Home Buddies’ na kanyang kinabibilangan, ibinahagi ni Mr. Ton Reario ang kwento ng kanyang tagumpay na naging viral kaagad.

Ang binata ay dumaan sa iba’t-ibang pagsubok at hindi ito naging madali upang marating niya ang kinaroroonan sa ngayon. Kahit na siya ay nakapagtapos ng pag-aaral ay nararanasan pa rin ng pamilya niya ang kakapusan.

Si Ton ay aminadong lumaki sa hirap, kung kaya siya’y nagsumikap na mapagtapos ang sarili sa pag-aaral. Nakakamangha ang angking sipag at tiyaga ni Ton dahil nakapagtapos pa siya sa isang kilalang unibersidad.
Ngunit kinakapos parin sila Ton kahit na siya’y nakapagtapos naman ng kolehiyo. Hindi sapat ang kanyang kinikita sa pang araw-araw na gastusin ng kanilang pamilya, kaya nagdoble kayod ang binata upang maibigay niya ang kaginhawahan ng buhay para sa pamilya.

Ito ang naging nag-udyok kay Ton na kumuha ng anim na trabaho at kinaya niya itong pagsabay-sabayin. Sabi niya, “I even worked ng sabay sabay for more than 6 companies all at the same time, (1. researcher 2. korean teacher 3. callcenter 4. events planner 5. emcee) while doing business on the side from 10am to 1AM just to fulfill my dreams.”

Gayundin naman, hindi nakalimutan ni Ton na humingi ng tulong at gabay sa Panginoon kaya nakaya niyang lahat ang hirap at ngayo’y naging matagumpay na sa buhay.

Pagkalipas ng pitong taon lamang ay nakamit na ni Ton ang minimithi niya at nagbunga na ang lahat ng kanyang pinagpaguran. Dati sila ay nakatira lamang sila sa Batasan Hills, ngayon sa Fairview na.
“7 years after, hindi man ito Mansion. Pero malaki pa rin pasasalamat ko sa taas sa binigay nyang pagkakataon na magbago ang buhay ng aking pamilya.”
Kahit pa ating masasabi na maayos na ang kanilang pamumuhay dahil sila’y may sarili ng bahay at mga ari-arian, di parin tumitigil si Ton sa pagkayod upang ang pamumuhay ng kanilang pamilya ay lalong maging maginhawa.

Gusto rin ni Ton na magbigay ng inspirasyon lalo na sa mga kabataan na nagnanais na umangat ang estado sa buhay at maabot ang mga pangarap sa legal at maayos na kaparaanan.

“Hindi na rin ako natakot sumubok ng opportunity outside of my comfort zone dahil naisip ko walang wala din nmn ako so anu pa ba ang mawawala. Ang payo ko lang , kung may pangarap ka tuparin at maniwala ka na makukuha mo rin ito. Laban lang kasi there is no overnight success.” ani Ton.

Ito pa ang ilang bahagi ng nakakainspire na pahayag ni Ton;

“In this time of trial, There is no elevator to success, you have to take the stairs, be willing to roll up your sleeves, and take action. Sometimes dumarating ang opportunities in our least expected way, God’s plan is way better than our plans. You may have a setback, but it is your opportunity for a comeback to learn new skills and unlock your potential.

Lastly, when you are about to quit , always remember your deep why. Mahirap maging mahirap, mahirap din magpayaman, Choose your hardnesss.”

Photos courtesy of Facebook @Ton Reario

 


Juan Tambayan
Juan Tambayan
Ako ay isang masugid na manunulat na may hilig sa lifestyle, technology and gadgets, mga sikat na personalidad, mga viral na pangyayari, at mga kwentong nagbibigay-inspirasyon. Layunin namin na maghatid ng makabuluhang nilalaman na magbibigay ng aliw, kaalaman, at inspirasyon sa aming mga mambabasa.

Similar Articles

Comments

LATEST POST