Lunch date nina Freddie Aguilar at misis nito nag viral sa social media.



Naiintriga ang mga netizen ngayon sa ka-date ng kilalang mang-aawit na si Freddie Aguilar.

Si Ka Freddie ay ikinasal noong Nobyembre 13, 2013 sa Buluan, Maguindanao. Nasa 16 na taon pa lamang noon ang kanyang kasintahan at ang kanilang kasal ay idinaos sa isang Muslim na seremonyas.

Ang legendary singer ay nagpaconvert sa relihiyong Muslim noon. Ang mag-asawa ay siyam na taon ng kasal at matatag parin na nagsasama hanggang sa ngayon.

Nagbahagi kamakailan ng larawan si Freddie sa Facebook account nito at agad namang nagviral at naging usap-usapan.

Makikita rito ang simpleng lunch date ng mag-asawa. Sabi ni Freddie sa kanyang post, ” Lunch date kami ni bhabe kanina lang sa Italianis UP Town Center. Love you bhabe ko”
Marami namang mga netizen ang nagbigay ng iba’t ibang reaksyon sa post ng singer na ito. May ilan na nagsabing talagang hinahangaan nila ang singer sa kahit anong larangan man.

Ito ang ilan sa mga naging komento ng netizens;
“Grabe lodi tlga kta since birth sir freddie aguilar!! Lahat ng kanta mo kabisado ko!! Stay in love wit each other God bless”

“Ikaw na po sir ang pinaka lodi sa lahat sir. Enjoy po and good health! God Bless!”

“kaya pala àng idol Freddie Aguilar ko di man lang kinababakasan ng pagtanda,napakaganda pala naman ng misis nyo”

Si Ka Freddie ay tatlong beses ng ikinasal. Ang babaeng una niyang pinakasalan ay si Josephine Quiepo noong 1973. Nauwi rin kalaunan sa hiwalayan ang kanilang pagsasama. Sila ay nagkaroon ng anim na anak at isa rito si Melanie Aguilar na isa ring mahusay na mang-aawit.

Nauwi rin sa hiwalayan ang pagsasama nila ng kanyang pangalawang asawa na si Antonette Martinez.

Source: Facebook




error: Content is protected !!