Binawian ng buhay ang mag-asawa sa Zamboanga del Norte habang isinasakay ang bangkay ng kanilang sanggol.
Papauwi na sana ang mag-anak nang maganap ang trahedya. May kasamang nakasunod sa kanila sakay ng motorsiklo. Sinubukan pang dalhin sa ospital ang mga biktima ngunit **** on arrival na ang mga ito. Pumanaw ang mag-asawa sa Zamboanga del Norte habang ibinabiyahe ang bangkay ng kanilang isang buwang gulang na sanggol.
Ayon sa ulat ng GMA News, State of the Nation, naganap ang aksidente nang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa isang pick-up truck habang binabaybay ang Leon B. Postigo patungo sa kanilang tahanan sa Sindangan. Ayon sa pulisya, may dalawang kasama ang mag-asawa na sakay din ng motorsiklo at naka-convoy sa kanila. Nawalan ng kontrol ang mister nang magkasagian sila ng kasunod na motorsiklo, dahilan upang mapunta ang kanilang sinasakyan sa kabilang lane at sumalpok sa pick-up.
Ayon sa mga saksi, mahigpit na yakap ng ina ang kanilang sanggol na pumanaw matapos mabilaukan. Ligtas naman sa aksidente ang dalawang kasama ng mag-asawa. Hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya ngunit humingi sila ng tulong para sa pagpapalibing sa mag-anak.