Categories: Viral

Celebrity look-alikes: Mapapadalawang tingin ka kung sila nga ba ang artistang iniidolo mo!

Marami sa atin ang umiidolo sa mga sikat na artista na kung saan maging ang kanilang mga kasuotan, mga sapatos, o mga bag ay minimithi at ninanais din natin na makamit. Ang iba naman sa atin ay nag-iipon at nagpupundar upang magkaroon ng mga bagay na ito na mayroon ang kanilang mga iniidolong artista. Hindi rin naman natin pinalalampas ang kanilang mga pelikula, palabas, mga endorsyo, at maging ang kanilang mga negosyo ay atin ring tinatangkilik.

Ngunit paano kung kahawig o kamukha mo ang mga artistang iniidolo ng nakararami? Magiging pabor ba ito sa iyo? O maaaring maging dahilan ng pagbabago ng iyong buhay? O magiging isang abala at hindi kanais-nais na karanasan para sa iyo lalo na sa maraming mga “memes” at kung anu-ano pang pakana sa social media na kadalasan ay nakatutuwa ngunit minsan ay nakapananakit din naman ng damdamin ng marami.

Ilan sa mga normal na tao na nakahahawig ng mga paborito nating personalidad ilan sa kanila ay mga kahawig ng mga sikat na aktor tulad nina James Reid, Enrique Gil, Jake Cuenca, aktres na si Julia Barreto, ang propesyonal na basketbolista na si James Yap, mahusay na host at komedyante na si Luis Manzano, ang “unkabogable” Vice Ganda, at maging ang mga pulitiko tulad nina Jejomar Binay, dating Pangulong Ninoy Aquino, ang kontrobersyal na si Leila de Lima at ang dating Presidente ng America na si Barack Obama.

Tunay ngang hindi maipagkakaila na iba ang lahing Pinoy. Sinong mag-aakala na mula artista, pulitiko, manlalaro at maging internasyonal na personalidad matatagpuan mo sa Pinas? There is no place like our home country.

Kilala ang mga Pilipino bilang masasayahing tao, kung kaya naman kahit sa panahon ng kahirapan o kalamidad hindi maiaalis ng sinuman ang ngiti sa ating mga labi, ang pag-asa ng bawat isa sa atin, ang bayanihan at pagtutulungan ay hindi matatawaran na ugali nating mga Pinoy!

Source:TheTrendingPlanet

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago