Categories: Viral

Ibinahagi ng babae na ito ang kanyang pinagdaanan sa pagbabawas niya ng timbang, 20 kilo sa loob lamang ng apat na buwan!

Maraming mga indibidwal lalo na mga kababaihan ang nangangarap na makapagbawas ng timbang. Marami sa mga ito ang nagsasabi na hindi madali ang pagbabawas ng timbang, karamihan ay hindi rin nakakatiis at sumusuko na din agad at tinatanggap na lamang na hindi na sila papayat pang muli. Isang dalaga ang nagpatunay sa social media na ang kanyang determinasyon at tamang pamamaraan ang magiging susi upang makapagbawas siya ng tumataginting na 20 kilo sa kanyang timbang!


Ibinahagi ni Pamela Cruz ang kanyang nakakamanghang kwento tungkol sa kanyang pagpapayat sa kanyang social media account noong December 31. Ayon sa kanyang post, akala ng marami ay sumailalim siya sa liposuction dahil sa mabilis niyang pagpayat.

Noong siya ay magsimulang magpapayat marami din siyang pinagdaanang pagsubok gaya ng karamihan. Dalawang linggo siyang kumain ng “steamed vegetables” kung saan siya ay pumayat nga ngunit naging “constipated” naman.


Matapos niyang magpakonsulta sa espesyalista ay napag-alaman niyang kailangan niya ng mas maraming “fiber” sa kanyang dyeta. Kaya naman nagbalik siya sa dati niyang mga pagkain ngunit pinalitan niya ang pagkonsumo niya ng “white rice” ng “black rice”. Patuloy rin siya sa pagkain ng mga de-lata na dati niya nang ginagawa noong mataba pa siya na kung tutuusin ay masama sa kanyang dyeta.


Dahil hindi rin naging matagumpay ang kanyang dyeta, pinursige niyang mag-“cardio exercise”. Dahil sa nahihiya siyang pumunta sa gym sa sobrang katabaan, minabuti niyang mag-treadmill sa kanilang tahanan ng 30-60 minuto kada araw sa loob ng isang buwan. Ngunit matapos nito ay kinailangan niyang sumailalim sa isang operasyon kung kaya naman natigil siya sa paggawa nito.


Oktubre naman ng napagdesisyunan niyang ipagpatuloy ang pagpapapayat at siya ay nag-enroll na sa isang gym. Nakakapagod man ay nagsumikap siyang makamtan ang pinapangarap na katawan kasabay na rin ng masusing paggabay ng kanyang mga coach. Mula sa 193lbs (87.5 kg)siya ngayon ay nasa 149lbs (67.6 kg)! Sa loob lamang ng apat na buwan ay nakapagbawas na siya ng 44lbs o 20 kilo!! Talaga namang nakakamangha ang kanyang determinasyon at pagsusumikap!

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago