Categories: Viral

Isang batang lalaki ang hinangaan ng marami dahil sa kaniyang ballpen na gawa sa kahoy at goma!

Kamakailan lamang ay naantig ang puso ng marami sa kwento ng batang ito na mayroong gamit na ballpen sa paaralan na gawa sa kahoy at goma. Marami naman ang nagnanais na magbigay ng ballpen sa kawawang batang lalaki na magagamit niya ng marami pang buwan.


Naging usap-usapan ang larawan ng batang ito matapos na ibahagi ng Philippine Star ang kaniyang mga larawan. Ang nasabing mga larawan ay kuha ni Maricor Baculanta na labis na humanga sa pagiging malikhain ng batang ito na walang kakayanang makabili ng ballpen na ginagamit niya na panulat sa tuwing papasok siya sa kanilang eskwelahan.


Ang isang ballpen ay nagkakahalaga lamang ng P5 ngunit wala siyang perang pambili nito. Ang nasabing mga larawan ay una nang nai-upload ni Moshi De Vera-Bacs. Ang social media account ni Maricor Baculanta ay kaniyang guro. Sa kabila ng itsura ng kaniyang ballpen ay naisusulat pa rin niya ang kaniyang mga leksyon at aralin ng maayos, kahit pa kwaderno ay tila wala na rin ang kawawang bata.


Ang sitwasyong ito ng bata ay talaga namang nakapukaw sa atensyon ng maraming mga netizen na ang ilan pa nga ay nakaranas din ng katulad ng kaniyang pinagdaraanan. Marami ding mga netizen ang tumawag sa atensyon ng ilang mga kilalang pulitiko upang matulungan ang mga batang kagaya niya. Tunay ngang pinahahalagahan niya ang edukasyon na isang napakagandang inspirasyon para sa mas maraming mga kabataang Pilipino. Pinatunayan niya na hindi nga kailangang maging mahal ang mga kagamitan at ang mismong edukasyon ng mga kabataang Pilipino. Nawa ay mas mabigyang pansin at halaga ang pagkakaroon ng pagkakataong makapagtapos ng pag-aaral.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago