Categories: Viral

Isang Concerned Netizen ang nagbahagi ng kanyang karanasan sa pagpasok sa isang nakaka-hinalang agency

Isa sa mga pagsubok ng mga bagong graduate ngayon ay ang paghahanap ng maayos na trabaho. Tila ba parang dumadaan sa butas ng karayom ang paghahanap ng pwedeng pasukan na trabaho. Marahil isa ang kakulangan ng ating bansa na makapagbigay ng magandang trabaho; ang nagiging dahilan ng pag-apply ng ilan sa ibang bansa. Dahil na rin sa kakulangan sa trabaho, sobrang higpit na rin ang nagiging kompitisyon sa pag-aapply. Karaniwan pa sa mga hinahanap ng iba ay ang mayroon ng mga experience o dati ng trabaho na kahalintulad ng ina-aplayan. Kaya naman may iba sa atin ay naiisip na pumasok sa mga Agency o mga ahensya na nakakapag-bigay ng trabaho.


Isang naghahanap ng trabaho na galing probinsya ang nagbahagi ng kanyang karanasan patungkol sa pagsubok niyang mag-apply sa isang agency. Ibinahagi niya dito ang mga kaganapan kung bakit hindi siya nagtiwala sa mga inaalok ng Agency na hindi na pinangalanan.


Ang Netizen na ito ay si Cid Marion Udaund-Estrada. Sa kagustuhang makahanap ng trabaho, siya ay nakipag-sapalaran sa Maynila. Mula Pangasinan, pagbaba niya sa may Terminal ng FiveStar Bus, mayroong humarang sa kanya na isang lalaki. Tinanong kung anong height niya, ilang taon na, kung nag-aaral pa, at sabay bigay ng job offer na papel. Marahil natuwa na rin si Cid dahil pagkababa pa lamang ay may nag-alok na kaagad sa kanya. Kaya naman sinubukan niyang puntahan ang nasabing agency na malapit sa Bus Terminal na iyon.


Sa haba daw ng sinabi ng nag-interview sa kanya naintindihan naman daw niya lahat kaso pagdating sa huli ay naniningil bigla ng 300 pesos para daw sa shares na refundable naman daw kapag bumalik siya. Sa paniningil pa lamang ay nagtaka na siya. Samut-saring hindi magagandang sinabi ng interviewer na umabot pa sa gusto pa makita kung magkano ang laman ng wallet ni Cid.


Tinakot man ng nasabing interviewer, hindi pa rin natinag ang desisyon niyang umalis at humindi sa alok ng Agency. Naningil na lang daw ng 10 pesos para daw sa papel na nasulatan niya. Tinapos ni Cid ang kanyang post sa pagbibigay babala para sa mga Agency na katulad nito. Para bang pagpumasok ka, hindi ka na makakalabas ng hindi sila makaka-kuha ng pera sayo.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago