Categories: Viral

Sa loob lamang ng 5 taon, 3 College Degrees ang natapos ng dalagang ito kahit nasabihan siyang Bobo at Ambisyosa

Ang Edukasyon ay mahalaga sa ating buhay. Ito kasi ang magiging sandata kapag sumabak ka na sa buhay pagtatrabaho. Ito rin ang magsisilbing katibayan sa magiging kinabukasan mo. Marami sa mga estudyante ang nagsusumikap sa pag-aaral. Sa ganitong paraan ay masusuklian ang paghihirap ng mga magulang matustusan lamang ang pag-aaral. Ang nakaka-lungkot lang minsan, mayroong mga mag-aaral na hindi pinahahalagahan ang edukasyon. Binabaliwala nila ang pag-aaral at naiisip magpakasaya at magbulakbol.


Gayon pa man, sa huli ay maiisip nila ang pagka-sayang ng pagkakataon. Sasabihin na lang sa sarili na nasa huli ang pagsisisi. Pero mas nararami pa rin naman ang mga estudyanteng nagsisipag sa pag-aaral. Bilang isang estudyante sa kolehiyo, karapat-dapat lamang na bigyang sinseridad ang bawat pag-aaral na gagawin. Dahil bawat ibabagsak na kurso ay pera ang masasayang at panahon. Pero may mga ilang estudyante na kahit bumagsak, dahil hindi nakayanan, ay nagsusumikap pa rin na ipagpatuloy upang makamit ang tinatamasang pangarap na makatapos.


Karaniwan ay gumugugol ng 4 na taon ang isang Degree sa kolehiyo. Pero ang nakamamangha ay mayroon pa lang mga tao na kayang maka-kuha ng 3 College Degree sa loob lamang ng 5 taon. Si Wynona Pauline Catapang ay isa sa mga ito. Nasasabihan minsan siya ng bobo at ambisyosa dahil 5 taon daw ang itinagal niya sa kolehiyo. Pero ang hindi alam ng mga nagsasabi nito ay 5 taon sa kolehiyo na tatlo ang kinukuha na degree.


Inihayag niya ang kanyang kuwento sa pamamagitan ng post sa Facebook. Ang kwento ng kanyang limang taon na pagsubok makamit lamang ang pinapangarap na 3 College Degree. Ibinahagi rin niya na minsan ay gusto niya ng sumuko. Pero nagpakatibay siya at kinaya niya ang lahat. Nagpasalamat din siya sa mga taong tumulong sa kanya at sa mga taong sumusuporta sa kanya. Siya ay isang graduate sa St. Scholastica’s College sa Maynila na may degrees na Bachelor of Arts in Mass Communication minor in Development Communication, Bachelor of Science in Psychology, at Bachelor of Arts in Guidance and Counseling sa programa ng eskwelahan na 5-year LIA/LIA program.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago