Categories: Viral

Mga mag-aaral sa ika-12 baitang hindi tamang pagsagot sa kanilang Basic Education Exit Assessment, umani ng samo’t-saring reaksyon!

Sa Pilipinas, mayroon tayong Basic Education Exit Assessment na ginagawa sa mga pampubliko o pribadong mga paaralan upang masukat ang progreso sa pag-aaral ng bawat mag-aaral sa ika-12 baitang. Ang Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education ang humahawak nito alinsunod sa Memorandum no. 005, s. 2019 kung saan kinakailangan ng mga mag-aaral sa ika-12 baitang mapa-pampubliko o pribadong paaralan. At ito nga ay nailunsad noong nakaraang Pebrero 13 hanggang 14.


Sistema ng edukasyon ang isa ring dahilan kung kaya isinasagawa ang assessement na ito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay naging usap-usapan sa social media ang pagsagot ng ilan sa mga mag-aaral na ito.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Kassandra Alipones ang mga larawan ng mga sagot ng mga nasabing mag-aaral. Bagamat hindi siya nagbigay ng detalye patungkol sa pangalan ng paaralan o kaya naman ay ng mga estudyanteng ito, nakasaad sa kaniyang post na dapat i-report o ipagbigay-alam sa kinauukulan ang mga mag-aaral na walang pakundangang sumagot ng hindi tama sa mga katanungan sa assessement na ito.


Ilan sa mga hindi wastong ginawa ng mga bata ay ang pagsasagot ng tila hugis puso sa mga answer sheet. Habang ang isa naman ay hindi nagsulat ng kaniyang pangalan kundi gumuhit na lamang ng maselang parte ng katawan ng isang lalaki. Mayroon din namang katanungan na “situation-based” ngunit kung ano pa ang hindi dapat na sagot ay yun pa ang sinagot ng estudyante.


Marami din namang mga netizen ang nagpabatid ng kanilang pagkadismaya at mga sentimiyento patungkol sa hindi wastong pagsagot ng mga batang ito. Binibigyang-diin ng marami at ni Kassandra na marapat talagang bigyan ito ng pansin ng kinauukulan. Hindi dapat nila binabalewala ang ganitong uri ng pagsusulit. Lalo na kung ito ay magiging malaki din ang epekto sa kanilang paaralan.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago