Categories: Viral

Magandang balita para sa mga miyembro ng SSS na nawalan ng trabaho dahil sa makakakuha sila ng P10 libong piso kada buwan bilang “Ünemployment benefit”!

Ito na nga ang magandang balita para sa mga miyembro ng Social Security System o SSS dahil sa ilalim ng Republic Act 11199 o ang Social Security Act of 2019, maaari nang magkaroon ng Ünemployment assistance and mga miyembro ng SSS na nawalan ng kani-kanilang mga trabaho. Si Senador Richard J. Gordon ang may akda ng batas na ito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magbibigay ang ahensiyang ito ng benepisyo para sa mga miyembrong nawalan ng trabaho. Ito ay magiging malaking tulong sa kanilang pagsisimula at paghahanap ng panibagong trabaho.

Upang maging kwalipikado sa nasabing benepisyo, dapat ay mayroong hindi bababa sa 36 na buwan na buwanang kontribusyon ang miyembro at hindi hihigit ang edad niya sa 60 taong gulang. Kinakailangan ding mayroong buwanang kontribusyon ang miyembro sa loob ng 18 buwan buhat ng siya ay nawalan ng trabaho.


Kinakailagan ding tiyakin ng mga empleyado na hinuhulugan nga ng kanilang kompanya ang kanilang mga kontribusyon upang makakuha sila ng ganitong benepisyo sa hinaharap.


Sa ilalim ng Section 14-B ng RA 11199 ang isang SSS member na “involuntarily unemployed” ay titulado sa 50% “average monthly salary credit” hanggang dalawang buwan lamang. Para sa mga nagbabayad ng “maximum monthly salary credit” ay makakatanggap ng P10,000 bilang buwanang benepisyo nang hindi hihigit sa dalawang buwan. Ngunit para naman sa mga nagbabayad ng mas mababa sa kanilang “average monthly salary credit” ay makakakuha ng mas mababa sa nasabing halaga. Upang hindi naman maabuso ang nasabing benepisyo nililimatahan lamang ng nasabing batas ang miyembro ng SSS na makatanggap ng benepisyong ito kada tatlong taon.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago