Categories: Viral

Inamin ni Sen. Manny Pacquiao ang kasalukuyang pagkuha ng degree upang mas makatulong siya sa problema ng bansa

Kamakailan lamang ay nabalitaan natin ang pagka-panalo ng Pambansang Kamao sa laban niya kontra kay Adrien Broner noong nakaraang Enero. Muling pinatunayan ni Sen Manny Pacquiao ang kanyang angking galing sa larangan ng boxing. Dahil isa din siyang sendador ng bansa, kinakailangan niya ring gampanan ang kanyang paglilingkod sa bayan. Inamin ni Sen. Pacquiao na siya ay kasalukuyang kumukuha ng degree upang lubusang maintindihan ang kinakaharap ng problema ng bansa.


Hindi napag-usapan kung saang kolehiyo ito, pero nabanggit ng Senador na sa Maynila ito. Sinabi din niya na malapit ng matapos ito.

Sabi ni Sen. Manny Pacquiao:
Malapit na.” idinagdag pa niya, “Tinatapos ko ang college ko, dito lang sa Maynila.”

Ito pa ang sinabi niya sa interview niya sa ANC:
“Yes, nag-aaral ako. The most important thing is alam mo ‘yung sitwasyon ng problema ng bansa natin.”

Ibinahagi din niya na siya ay gumagawa ng isang power point presentation tungkol sa economics.


Tinanong din ang Senador kung naiisip niya bang tumakbo bilang Presidente sa taong 2022, pero ang sabi ng Senador ay wala pa daw sa isip niya ito. Ang tanging layunin niya lang ay kung paano mas makaka-tulong sa bansa upang masolusyonan ang kahirapan at mataas na buwis.

Ito pa ang sinabi ni Sen. Manny Pacquiao:
“Sa ngayon hindi ko iniisip ‘yung thing about running 2022. Alam mo ang iniisip ko ang solusyon sa mga problema sa bansa natin,”

Ibinanggit din ng Senador na ang puso niya ay para makatulong at magbigay ng karangalan sa bansa.

Idinagdag pa ni Sen. Manny Pacquiao:
“Masaya ako bilang senador, gampanan trabaho ko. Nagbibigay ako ng karangalan sa ating bansa. Masaya ako d’yan. ‘Yun ang nasa puso.”


Nakaka-bilib talaga ang naging istorya ng buhay ng Pambansang Kamao. Mula sa kahirapan ay nagawa niyang maging isang tagumpay na boxingero at isang maaasahang Senador na handang tumulong sa maraming tao.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago