Categories: NewsViral

Nagdulot ng debate online ang sinabi ng bilyonaryong si Jack Ma na mas magiging matagumpay ang mga empleyado kung magtatrabaho sila ng mas mahabang oras!

Kamakailan lamang ay naging dahilan ng debate ang bilyonaryong si Jack Ma online matapos niyang sabihin na ang mga empleyado ay marapat lamang na magtrabaho ng mahahabang oras upang mas maging matagumpay. Siya ang co-founder ng online shopping giant na Alibaba nang siya ay mag-endorso ng isang kontrobersyal na Chinese work practice na kung tawagin ay “996 system”.


Sa ilalim ng sistemang ito ay magtatrabaho ang mga empleyado ng 9 ng umaga hanggang 9 ng gabi sa loob ng anim na araw. Ang nasabing 996 practice ay isa sa pinakapangkaraniwan sa mga empleyado na nagtatrabaho sa mga malalaking technology company at startup sa China.

Ayon sa pahayag ni Jack Ma, kung makakahanap tayo ng bagay o trabaho na gusto natin hindi magiging problema ang 996, kung hindi mo naman gusto ang iyong ginagawa ay tiyak na magiging labis na pahirap ito sa mga manggagawa.


Ayon pa sa “tech tycoon” ang nasabing pagsuporta niya sa 996 system ay pagkilala niya para sa mga manggagawang nagtatrabaho ng mahahabang oras upang maging matagumpay. Dagdag pa niya, ang mga manggagawang nagbibigay halaga sa 996 ay hindi lamang basta nagtatrabaho ng “overtime” at yaong mga nagtatrabaho ng mas maiksing oras ay hindi makalasap ng kaligayahan at parangal ng pagtitiyaga sa trabaho.

Nilinaw din niya na hindi siya pabor sa “forced overtime work” bagkus ay mataas ang pagtingin niya sa mga taong naglalaan ng karagdagang panahon, oras at effort para mas maging mahusay ang kanilang ginagawang trabaho at makamit nila ang tagumpay. Marami ang nagkomento patungkol sa kaniyang pahayag dahil sa ito diumano’y “mandatory overtime work, unfair and impractical.”


Bukod sa kaniyang matagumpay na negosyo, siya ay hinahangaan rin dahil sa “rags-to-riches” na kwento ng kaniyang buhay, siya ay mula sa isanh mahirap na pamilya at hirap sa kaniyang pag-aaral. Sa katunayan ay inabot siya ng apat na taon maipasa lamang ang kaniyang Chinese entrance exam na isang beses sa isang taon lamang ginaganap.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago