Categories: NewsShowbizViral

Ang kilala nating gumanap ng ‘Marimar’ na si Thalia, maganda pa rin at parang hindi tumatanda

Naaalala niyo pa ba ang mga sikat na teleserye noong 90’s? Iyong mga palabas na pinapanuod tuwing gabi na madalas pagusapan ng maraming tao noon? Hindi ba’t ang mga palabas na ito ay nagbigay kulay sa bawat gabi tuwing nanunuod ng telebisyon.


Bago pa man sumikat ang mga KDrama ay sumikat din sa ating bansa ang ilan sa mga Mexican na teleserye. Isa sa pinaka-sikat na teleserye na sinubaybayan ay ang ‘Marimar’. Naaalala pa ba ang sikat na aso na si Polgoso?


Ang kwento ng teleseryeng ‘Marimar’ ay umiikot sa karakter ng isang babaeng naninirahan malapit sa dagat kasama ang kanyang lolo at lola. Ito ay ang pag-iibigan ng dalawang tao na sina Marimar at Sergio. Dumaan sa maraming pagsubok ang bida at sa huli ay nagtapos ito sa pagpapakasal nilang dalawa.


Ang bida sa Marimar ay ginanapan ni Thalia na may tunay na pangalan na Ariadna Thalía Sodi Miranda. Siya ay magiging 48 na taong gulang itong darating na ika-26 ng Agosto. Mayroon na rin siyang dalawang anak. Pero kahit ito ang edad niya hindi mo makikita sa kanyang itsura. Siya ay maganda pa rin hanggang ngayon. Sa katunayan ay isa siya pinag-uusapang mga sikat na tao sa 2019 Met Gala. Siya ay napaka-ganda sa kanyang gown mula sa Tommy Hilfiger.


Bukod sa kanyang mala-diyosang kagandahan, isa rin siyang singer, songwriter, producer, aktres, at entrepreneur. Hindi lamang siya matagumpay sa kanyang pagiging celebrity, isa rin siya sa pinaka-maimpluwensyang Mexican sa buong mundo. Ilan pa sa mga napa-sikat niyang mga palabas ay Maria Mercedes, Maria La Del Bario, at Rosalinda. Marami ding mga Pinoy ay sumubaybay sa mga palabas na ito.


Sa kanyang kasikatan siya ay nabansagan bilang “Queen of Latin Pop” at “Queen of Telenovelas”. Ayon sa Televisa na isang Mexican media na kumpanya, pinangalanan siyang best-paid telenovela na aktres. Nakaka-bilib ang mga narating niya sa buhay pero kahit na sikat siya noon, mas mapapansin na maganda pa rin siya hanggang ngayon.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago