Categories: NewsShowbizViral

Mensahe ni Kristine Hermosa sa kaarawan ni Danica Sotto, magpapakita ng kanyang pagmamahal sa kanyang hipag

Ang pagkakaroon ng asawa ay isang biyaya. Hindi biro ang makahanap ng taong makaka-sama mo habang buhay. Pero isa ring suliranin sa iba ang pakikisama sa pamilya ng iyong kapareha. Iba-iba kasi tayo ng mga ugali kaya isa itong hamon sa parehas na panig upang maka-sundo ang mga “in-laws”.


Maswerte ang mga mag-asawang parehas na suportado ng bawat pamilya. Dahil ang pamilyang nagmamahalan ay tunay na pinag-papala. Masaya din kung tinuturing ka ring tunay na kapatid na rin ng iyong mga bayaw o hipag. Katulad na lamang ng pagmamahal ni Kristine Hermosa kay Danica Sotto na kapatid ng kanyang asawa na si Oyo Boy Sotto.


Sa isang post ni Kristine Hermosa sa social media, ibinahagi niya ang kanyang pagbati sa hipag na si Danica Sotto. Ayon sa mensahe ni Kristine Hermosa, sinabi niya na marami ng nakasama si Danica at naging inspirasyon sa pagiging kung sino siya. Tinawag pa niya itong ‘Nic’ bilang palayaw. Sinabi rin niya na si Danica ang isang perpektong halimbawa ng pagiging isang mabait na kapatid, anak, asawa, ina, at kaibigan. Sinabi din niya na siya ay tunay na minamahal. Tinapos niya ang mensahe sa pagbati ng “Happy Birthday”.


Sinagot naman ito ni Danica Sotto ng pasasalamat. Sinabi rin niya na masaya siya dahil nakakasama niya si Kristine Hermosa. Sinabi rin ni Danica na sila at ang pamilya ang pinaka-magandang biyaya. Nasasabik din si Danica sa nalalapit nilang bakasyon ng pamilya.

Bagamat hindi sila tunay na magka-dugo, ipinakita ng mga mensaheng ito ang pagmamahalan ng magkapatid. Masayang isipin na kapag ikaw ay nakapag-asawa at tinuring ka ng miyembro din ng pamilya, maiisip mo na lang na nadagdagan ka ng magulang at mga kapatid.


Parehas na ina sina Kristine at Danica, malamang ay nagtutulungan din sila sa tamang pagiging magulang para sa kanilang mga anak.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago