Categories: Viral

Bumili ang lalaki na ito ng 10,000 na mga bisikletang hindi na ginagamit para sa mga estudyanteng naglalakad ng malayo papasok ng eskwela!

Sa maraming mga lugar tulad ng Asya, maraming mga estudyanteng naglalakad ng kilo-kilometrong kayo makapasok lamang ng eskwelahan araw-araw, mayroong mga tumatahak sa matatarik na bundok o di kaya naman ay tumatawid sa mga ilog nang walang maayos na tulay. Ngunit sa kabila ng mga ito ay nagsusumikap pa rin sila para sa kanilang kinabukasan at sa ikagiginhawa ng kanilang pamilya.


Ito ang naging inspirasyon ni Mike Than Tun Win mula sa Myanmar nang makita niya ang sitwasyon ng mga kabataang nag-aaral dito makalipas ang 18 taon niyang pag-aaral sa Singapore. Kung siya ay nabigyan ng napakagandang pribilehiyo na makapag-aral, ang kaniya namang mga kababayan ay talagang mahirap ang pinagdaraanan araw-araw sa tuwing papasok sila sa paaralan.


At dahil mayroon siyang nakita na mga hindi na ginagamit na bisikleta sa Singapore matapos na hindi maging matagumpay ang “bike sharing concept” ng isang kompanya ay minabuti niyang bilhin na lamang ang mga ito upang matulungan ang kompanya at gayundin naman ang ilang mga estudyante sa kaniyang bayan.


At dahil nga sa kaniyang kinitang pera mula sa pagpapatayo niya ng isang Tech Company sa Myanmar ay sinimulan na niyang bumili ng mga bisikleta mula sa Singapore, Taiwan, Japan, at The Netherlands. Sa mga nagdaang buwan ay nakabili na siya ng higit sa 10,000 na mga “discarded bikes”.


Ang mga nasabing bike ay ipinasuri at ipinaayos kung mayroon mang mga sira, tinanggal rin ang mga digital lock at pinalitan ng mga regular na lock. Bukod dito ay dinagdagan din nila ito ng karagdahang upuan upang makaangkas din ang mga kaibigan o kapatid ng mga papalarin na makatanggap nito. Ang non-profit organization na “Less Walk” ang nagbahagi nito sa mga mag-aaral na nangangailangan.


Sa dami ng mga estudyante sa Myanmar mas nais magpokus ni Mike sa mga Grade 7 hanggang 10. Laking pasasalamat ng mga batang ito sa lahat ng ginawa ni Mike at ng kaniyang grupo dahil sa higit sa 10,000 na mga bisikleta na naipamahagi sa mga mag-aaral upang matulungan ang mga ito sa kanilang pagpasok sa eskwela araw-araw.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago