Categories: Viral

Isang lalaki na walang kapera-pera sinubukang languyin ang Cebu hanggang Bohol upang makarating sa lamay ng kaniyang kamag-anak!

Kahirapan ang isa sa mga dahilan kung bakit nagagawa ng ibang tao ang mga bagay na hindi nila dapat gawin. Mahirap at masakit mang isipin ngunit ito ang katotohanan na kinahaharap ng maraming mga Pilipino at ng iba pang mga tao sa ngayon. Tulad na lamang ng kwento ni Mang Angco na nilangoy ang Cebu patungong Bohol para lamang masilayan ang namayapa nilang kamag-anak.


Dahil sa wala siyang sapat na pera na pangbili ng ticket ay nilangoy na lamang ni Mang Ceferino Angco ang karagatan ng mahuli siya ng coast guard na nagpapalutang-lutang sa Talisay Port sa Cebu. Nobyembre 2018 nang mangyari ang insidente kung saan siya ay nakita pang mayroong mga “styrofoam” sa kaniyang katawan upang matulungan siya sa pagpapalutang-lutang.

Agad naman siyang sinaklolohan at tinulungan ng mga otoridad. Binigyan din siya ng mga malilinis at tuyong mga damit. Napag-alaman ng mga otoridad na wala siyang pera kahit na magkano o kahit barya na lamang kung kaya naisipan niyang languyin na lamang ang karagatan upang makarating sa lamay ng kanilang kaanak. Ayon pa sa kanila ay 9 na oras na pala ang nakakalipas mula nang lumangoy ang kawawang matanda. 11:30 ng gabi niya napagdesiyunang lumangoy sa karagatan upang hindi siya mahuli at maabutan ng sikat ng araw.


Nabalitaan naman ng isang mabuting Samaritano ang kwento ni Mang Ceferino. Isang public official na nakilala bilang si Jojo Bacaitos ang nagbigay ng tulong sa matanda, pera na pangbili ng kaniyang ticket, pagkain at matutulugan. Labis labis naman ang pasasalamat niya sa nagmabuting loob na tumulong sa kaniya upang makapunta sa lamay ng kanilang kamag-anak.


Tunay ngang walang anumang makahahadlang sa taong mayroong matatag na determinasyon at pagmamahal sa kaniyang pamilya at mga kaanak kahit pa gaano kaimposible ang mga bagay-bagay. Hindi niya alintana ang kapahamakan na naghihintay sa kaniya makapunta masilayan lamang niyang muli ang kaniyang kapamilya sa huling pagkakataon.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago