Kapag narinig ang mga salitang “Bigyan ng Jacket yan!” ang unang papasok sa isipan natin ay si Willie Revillame o si Kuya Wil. Tunay na marami ng natulungang tao si Kuya Wil hindi lamang mahihirap pati narin ang mga kaibigan at mga katrabaho. Masasabing marami ang humahanga kay Kuya Wil sa pagbabahagi niya ng kanyang tagumpay sa maraming tao.
Kahit na ang simula ng buhay ni Kuya Wil ay mahirap, marunong pa rin siyang tumingin sa kanyang pinanggalingan. Kaya magpa-hanggang ngayon ay mayroon pa rin siyang programa na ang layunin ay makapag-bigay kasiyahan at maka-tulong sa mga nangangailangan.
Pero hindi pa natatapos ang kabutihan ni Kuya Wil, may mga taong magpapatunay ng tunay na kabaitan ni Willie Revillame. Sa isang social media post ni Janno Gibbs, ibinahagi niya ang pagkikita nila ni Willie Revillame sa isang Mall noong ika-27 ng Hunyo.
Ayon sa Instagram post ni Janno Gibbs:
“Bigyan ng Jacket Yan!” Nakasalubong ko si Willie Revillame while shopping. Nagkuwentuhan. Naggoodbye na ako. Binalikan nya ako. Tinanong ano daw gusto ko. Sabi ko wag na. Mapilit sya. Inutusan ang saleslady “Bigyan ng jacket yan!”
Makikita sa larawan na tumutulong pa si Kuya Wil sa pagpili ng jacket na ibibigay kay Janno Gibbs. Kaya sa huling bahagi ng post ni Janno Gibbs ay lubos ang pasasalamat niya kay Kuya Wil na tinawag niyang pare.
Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…
Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…
Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…
Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…
"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…
Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…