Categories: HealthViral

Ang paghuhugas ng mga pinggan ay nakaka-baba ng stress ayon sa isang pagaaral

Ang pagkakaraoon ng stress sa katawan ay nakakasama. Dahil sa mga problemang dumadating sa buhay, ang iba ay nababalisa at hindi alam kung paano sosolusyunan ang problema. Nakakasama ang pagkakaroon ng stress sa kalusugan. Maaaring magdulot ito ng sakit sa katawan pati na rin sa utak. Kaya habang maaga pa lamang, huwag nating sanayin na tayo ay nilalamon na ng stress at baka magkaroon pa ng sakit. Mas mabuti na ang umiwas kaysa sa pagsisihan sa huli.

Isa sa mga pinagmumulan ng stress ay ang mga gawaing bahay. Sa isang bahay, karaniwan sa isang pinagtatalunan ay kung sino ang maghuhugas ng mga pinag-kainan. Totoong nakaka-iritang tignan kung tambak ang hugasin sa lababo. May mga ilang tao na kinakatamaran ito at tambak lang ng tambak ng mga pinagkainan sa lababo.

Pero alam niyo ba na nakaka-baba pala ng stress level ang paghuhugas ng mga pinggan? Ang paghuhugas pala ng pinggan ay nakakatulong sa ating kalusugan. Ang pagaaral na ito ay isinagawa ng grupo ng mga mananaliksik sa Florida State University. Inobserbahan nila ang 51 na estudyante na naghuhugas ng pinggan. Bago nila sinimulan, kalahati ng mga estudyante ay inatasang magbasa ng maikling ‘mindfulness dishwashing passage’ at ang natitirang kalahati naman ay ‘descriptive dishwashing passage’.


Ayon kay Adam Hanley na author ng pagaaral at doctoral candidate ng FSU College of Education’s Counseling/School Psychology program, na interesado siya sa ganitong pagaaral kung saan ang madalas gawin araw-araw ay makakatulong sa ating kalusugan. Napag-alaman ng mga researchers na ang mga taong ‘mindful’ sa paghuhugas ng pinggan ay ang mga taong inaamoy ang sabon, dinadama ang temperatura ng tubig na nakakapagbigay ng inspirasyon sa pakiramdam ng 25% at nawawala ang kaba ng 27%.


Ayon sa author ng pagaaral:
“It appears that an everyday activity approached with intentionality and awareness may enhance the state of mindfulness,”

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago