Categories: Viral

Isang magkasintahan na hindi “daw” bagay usap-usapan ngayon sa publiko dahil sa mga sweet nilang larawan sa isang fast-food restaurant!

Gustuhin man natin o hindi, ang ating lipunan ay mayroong kani-kanilang mga batayan patungkol sa isang tao, bagay, o pangyayari na dapat ay sinusunod ng lahat. Ngunit ang reyalidad ng buhay ay kadalasang hinuhusgahan lamang ng mga tao ang kahit sino depende sa kanilang mga pisikal na anyo at hitsura. Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan sa social media ang magkasintahang ito dahil sa mga sweet na larawan nila na ibinahagi nila sa social media.
Ito ay ang “date” nila sa isang sikat na fastfood restaurant. Marahil ay dedma lamang ito sa publiko dahil sa natural na “date” lamang ito ng isang magkasintahan, ngunit naging usap-usapan talaga ito dahil sa ang babae sa larawan ay isang maganda at kaakit-akit na dalaga samantalang ang kaniyang kasintahan naman ay simple lamang.
Marami ang mga netizen na talagang nagdududa sa dalawa dahil marahil ay nagpapanggap lamang sila na magkasintahan at nais lamang nila ang maging sikat sa social media. Nagsimula ito matapos magbahagi ng mga larawan ang isang Marco Deliarte Asis at nilagyan niya ito ng caption na “Thursdate” na mayroon pang “heart emojis” sa kaniyang Facebook page habang naka-tag ang isang Vivian Reyes.
Sa unang larawan ay tila isang normal lamang na litrato kung saan handa nang kumain si Marco ngunit sa mga susunod pang larawan ay makikita na ang mga sweet at cute nilang mga larawan ni Vivian na magkasama. Dahil dito ay nagkaroon ng mga espekulasyon na sila nga ay magkasintahan. Halatang-halata rin na komportable sila sa isa’t-isa at masayang-masaya sa kanilang “date”.
Mayroong mga netizen ang nagkomento na mayroong mas nababagay na lalaki para kay Vivian habang mayroon namang iilan na sumang-ayon lamang kay Vivian. Mayroon pang mga nagpahayag ng kanilang mga opinyon na okey lang din naman siya kay Marco dahil sa hindi na ito muli pang makakahanap ng babae na kagaya niya na talaga namang naging hindi patas na panghuhusga para sa lalaki.
Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago