Categories: Viral

Yayamaning airport OOTD ni Jinkee Pacquiao, pinagkaguluhan ng maraming netizens!

Kamakailan lamang ay nagulantang ang madla dahil sa napakagandang OOTD posts ng misis ng Pambansang Kamao at Senador Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao. Ito ay matapos niyang magbahagi ng ilang mga nakakabighaning mga larawan sa kaniyang video stories online. Sa nasabing mga video stories ay kasama niya ang dalawang anak na sina Jimuel at Michael Pacquiao. Bagamat hindi sinabi ni Jinkee kung saan sila patungo ay talaga namang hindi pinalampas ng maraming mga netizen ang kaniyang Outfit of the Day o OOTD.

Umani nga ng sari-saring mga komento at reaksyon ang mga larawan ni Jinkee kasama ang kaniyang mga anak. Talaga namang kapansin-pansin ang pagiging blooming nito at ang yayamanin nitong kasuotan. Maraming mga netizens ang manghang-mangha sa kaniya dahil sa kayang-kaya niyang dalhin at bigyang hustisya ang mga mamahaling damit na kaniyang isinusuot lalo na ang mga mamahaling bag at mga sapatos na milyon ang halaga.


Tunay ngang pangarap ng maraming mga kababaihan ang pagkakaroon ng mga mamahaling kasuotan, bag at mga sapatos. Ngunit higit pa sa mga mamahaling mga gamit, at mga mamahaling ari-arian ay mas hinahangaan ang pamilya Pacquiao dahil sa kanilang matatag na pananampalataya sa Diyos at sa kanilang wagas na pagtulong sa maraming mga tao na nangangailangan at hirap sa buhay.

Marapat lamang na sa halip na kainggitan ang kanilang pamilya ay magsilbi silang inspirasyon para sa maraming mga pamilyang Pilipino. Dahil hindi rin naman lingid sa ating kaalaman na nagmula rin sila sa mahirap na buhay, nagsumikap at nagpursugi upang makamit nila ang mga bagay na tinatamasa nila ngayon.

Si Jinkee CapeƱa Pacquiao o mas kilala bilang si Jinkee Pacquiao ay 40 taong gulang na pulitiko, socialite, media personality at film producer mula sa General Santos City. Siya ay nahalal din noon bilang bise-gobernadora ng Sarangani, Mindanao mula 2013 hanggang 2016. Pagkatapos ng kaniyang termino ay mas minabuti na lamang niya na magpokus sa kaniyang pamilya.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago