Yayamaning airport OOTD ni Jinkee Pacquiao, pinagkaguluhan ng maraming netizens!



Kamakailan lamang ay nagulantang ang madla dahil sa napakagandang OOTD posts ng misis ng Pambansang Kamao at Senador Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao. Ito ay matapos niyang magbahagi ng ilang mga nakakabighaning mga larawan sa kaniyang video stories online. Sa nasabing mga video stories ay kasama niya ang dalawang anak na sina Jimuel at Michael Pacquiao. Bagamat hindi sinabi ni Jinkee kung saan sila patungo ay talaga namang hindi pinalampas ng maraming mga netizen ang kaniyang Outfit of the Day o OOTD.



Umani nga ng sari-saring mga komento at reaksyon ang mga larawan ni Jinkee kasama ang kaniyang mga anak. Talaga namang kapansin-pansin ang pagiging blooming nito at ang yayamanin nitong kasuotan. Maraming mga netizens ang manghang-mangha sa kaniya dahil sa kayang-kaya niyang dalhin at bigyang hustisya ang mga mamahaling damit na kaniyang isinusuot lalo na ang mga mamahaling bag at mga sapatos na milyon ang halaga.


Tunay ngang pangarap ng maraming mga kababaihan ang pagkakaroon ng mga mamahaling kasuotan, bag at mga sapatos. Ngunit higit pa sa mga mamahaling mga gamit, at mga mamahaling ari-arian ay mas hinahangaan ang pamilya Pacquiao dahil sa kanilang matatag na pananampalataya sa Diyos at sa kanilang wagas na pagtulong sa maraming mga tao na nangangailangan at hirap sa buhay.



Marapat lamang na sa halip na kainggitan ang kanilang pamilya ay magsilbi silang inspirasyon para sa maraming mga pamilyang Pilipino. Dahil hindi rin naman lingid sa ating kaalaman na nagmula rin sila sa mahirap na buhay, nagsumikap at nagpursugi upang makamit nila ang mga bagay na tinatamasa nila ngayon.



Si Jinkee Capeña Pacquiao o mas kilala bilang si Jinkee Pacquiao ay 40 taong gulang na pulitiko, socialite, media personality at film producer mula sa General Santos City. Siya ay nahalal din noon bilang bise-gobernadora ng Sarangani, Mindanao mula 2013 hanggang 2016. Pagkatapos ng kaniyang termino ay mas minabuti na lamang niya na magpokus sa kaniyang pamilya.





error: Content is protected !!