Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog ng ating pagkatao at pagkatuto ng maraming mga bagay.

 

Sa panahon ng elementarya di mawawala ang mga laro na talaga namang tumatak na sa isip natin. Mga karanasang kailanman ay di malilimutan ng bawat isa. Pagkatapos ng klase o kaya ay oras ng recess. Chinese garter, piko, jackstone at kung anu pang laro ang ginagawa.

Maging ang paglalaro ng ‘kisses’ o yung maliliit na parang sago o beads na may mabangong amoy. Inaalagaan pa natin ito at nilalagyan ng polbo sa pag aakalang ito’y magiging pokemon.

Si Nadine Lustre ay may nakakaaliw na karanasan din noong elementarya pa ang aktres tungkol sa ‘kisses’ na ito. Naging libangan din ni Nadine ito noon at ibinibenta pa sa mga kaklase niya.

Dinepensahan ng aktres ang sarili sa kanyang isa pang instagram story at pinaliwanag ang kanyang nalalaman patungkol sa ‘kisses’.
Biktima lang din daw siya ng maling impormasyon galing sa tindera ng ‘kisses’ na ito sa Divisoria na nagsabing nagiging pokemon ito paglaki. Ito’y pinaniwalaan ng aktres kaya yun ang sinabi niya sa mga kaklase nito.

I’m

Grade 6 na si Nadine ng mapag alaman niyang hindi pala ito totoo. Pabiro pang sinabi ng aktres na hindi lang pala siya ang nascam ng ‘kisses’ na nagiging pokemon.

Dahil sa tuwa ng mga netizen sa alaalang ito ng aktres ay napa-throwback din sila sa kanilang mga naging karanasan noong elementarya. At naglabasan nga ang mga nascam ng ‘kisses’.

Kay sarap balikan ng mga alaala ng kahapon. Talagang mapapasabi ka nalang na “Ang sarap maging bata”.

Similar Articles

Comments

LATEST POST