Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si “Kuya Wil” o Willie Revillame. Kamakailan ay nabanggit niya na bibigyan nya muna ng bahay ang dating naging co-host niya na si “Hipon” o Herlene Budol.

Minabuti ni Kuya Wil na patuluyin muna sa isang unit ng kanyang Wil Tower si Herlene, na ngayon ay isa sa kandidata ng “Binibining Pilipinas”. Kaysa mangupahan pa raw ito ng apartment.

Herlene Hipon | Youtube

Dahil sa dami ng inaasikaso at pinupuntahan ni Herlene ngayon sa sinalihang patimpalak na Binibining Pilipinas 2022, nagmagandang loob si Kuya Wil sa dating co-host na sa Wil Tower na muna manatili upang makatipid sa gastusin nito tutal ay malapit naman sa siyudad ang lokasyon ng gusaling pagmamay-ari ni Kuya Wil.

Si Herlene Nicole Busol ay pasok sa Top 40 candidates ng Binibining Pilipinas 2022 bilang Binibini 8. Siya ang magrerepresenta sa Angono, Rizal.
Sa programang ‘Wowowin’ ni Willie Revillame nakilala at umingay ang pangalang “Hipon Girl” dahil na sa angking galing ng dalaga sa pagpapatawa.

Herlene Hipon | Youtube

Dahil sa pandemya ay ngayon na lamang muling nagkita ang mag co-host matapos mawala si Herlene sa programa ni Kuya Wil.

Nagbigay rin ng ilang payo si Kuya Wil kay Herlene bukod sa alok nitong pagtira sa pagmamay-aring gusali nito.

Be yourself. Kung ano ka, kung ano ’yung sinimulan mo sa ‘Wowowin,’ ’yon ka. ’Pag tinanong ka na mag-English, meron kang interpreter. Joke lang ’yon pero be yourself,”

Herlene Hipon | Youtube

“I am Filipina. Gusto ko sagutin ’to na para maintindihan ng aking mga kababayan. Hindi pa naman ako winner. Gusto kong sumagot ng kung ano ako at kung anong dapat nilang maintindihan.” pahayag ni Kuya Wil

Di mawawala ang mga bumabatikos at di sang-ayon sa pagsali ng dalaga sa nasabing kompetisyon, ngunit dahil sa suportang natatanggap ni Herlene mula sa pamilya, malalapit na kaibigan at sa itinuturing niyang kuya sa industriya na naniniwala sa kanyang kakayahan ay lalong lumakas ang loob ng dalaga na ipagpatuloy ang labang ito.

Source: Herlene Hipon | YouTube

Similar Articles

Comments

LATEST POST