Categories: Viral

Mas masigla ang bata kapag kamukha ng tatay ayon sa isang pag-aaral!

Napakasarap magkaroon ng isang masaya at buong pamilya. Ang pagkakaroon ng ganitong klaseng buhay ay isa sa pinakamagandang biyayang na ating matatanggap mula sa Panginoon. Ang pagkakaroon ng isang pamilya ay nangangahulugan din na pagkakaroon ng sariling mga anak. Sino nga ba naman ang ayaw magkaroon ng sarili niyang supling o mga supling? Kakaibang karanasan at talaga namang hindi malilimutan ang mga sandali na naging hudyat ng pagiging isang ama o ina natin.

Ngunit batid ba ninyo na mas masigla ang mga bata kung kamukha sila ng kamukha sila ng kanilang ama? Ayon sa isang pag-aaral, ang mga ama na kamukha ang kanilang mga anak ay naiimpluwensiyahan at nakakaapekto kung paano sila magiging isang ama o magulang sa kanilang anak.


“Ang mga tatay na kamukha ang kanilang anak ay mas sigurado na anak nila ito, kaya mas ginagamit ang oras kasama ang baby,” pagpapaliwanag ni Professor Solomon Polachek sa “Medical Daily”

Tunay nga na napakahalagang parte ng buhay ng isang sanggol ang pagkalinga at paggabay ng kanilang ama. Nakabubuti sa kanilang kalusugan ang pag-aalaga ng kanilang mga ama. Ang mga mananaliksik ay nag-obserba ng 715 na mga pamilyang nakarehistro sa “Fragile Families and Child Wellbeing (FFCW), ang mga bata na ito ay nakatira sa kanilang mga ina lamang. Kahit pa malayo ang mga ama nila at nagsisilbi pa rin itong “paternity cue” para sa paggawa ng time-investment na desisyon ng mga ito.
“Napag-alaman namin na bumuti ang child health indicators kapag kamukha ang tatay. Ang pangunahing paliwanag ay ang madalas na pagbisita ng ama para magbigay ng oras sa pag-aalaga at pagbabantay, at pag-alam tungkol sa kalusugan at mga pangangailangan ng bata,” paliwanag ng mga mananaliksik.

Ayon din sa pag-aaral ang mga ina ay likas na maalaga sa kanilang mga sanggol kamukha man nila ang mga ito o hindi ngunit ang mga ama na kamukha ang kanilang mga anak ay mayroong malaking epekto sa “child development outcomes” ng sanggol.

Source: TheAsianParent

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago