Categories: Good DeedsHealth

Isang Pilipinang chemist gumawa at namigay ng libreng alcoh0l para sa mga nangangailangan sa kabila ng “hoarding” ng ibang Pinoy!

Nakakalungkot ang ilang mga balita sa social media sa ngayon patungkol sa mga taong bumibili ng pakyawan o kahon kahon sa mga pamilihan para lamang masiguro na ang personal nilang pangangailangan ay kanilang makukuha kahit pa ito ay nangangahulugan na maraming mga pamilya at ibang indibidwal na maapektuhan at mawawalan na ng pagkakataon na makapamili para sa kanilang sarili at pamilya.

Kamakailan nga lamang ay napabalita ang pagkakaubusan ng mga alcoh0l at face mask sa iba’t-ibang mga bilihan at maging ang prutas tulad ng saging ay talaga namang pinapakyaw na rin ng marami. Sa kabila ng tila makasariling ugali na ito ng publiko ay mayroon pa ring mga nakakamanghang kwento ng pagtulong mula sa ilang mga Pilipino. Katulad na lamang ng isang Pinay chemist na ito na gumawa mismo ng mga alkohol at libreng ipinamahagi sa mga tao.

Siya ay nakilala bilang si Meg Reyes-Sy na isang licensed chemist na naninirahan sa Quezon City, Metro, Manila. Sa kabila ng matinding kakulangan sa alkohol sa iba’t-ibang panig ng bansa ay naisipan niyang tumulong sa sarili niyang pamamaraan at kaniyang ginamit ang kaniyang kakayahan at kaalaman bilang isang chemist.

Hindi man siya frontliner tulad ng ating mga doktor, at hindi rin siya isang sundalo o military na nakatutulong sa kaayusan sa mga ganitong panahon ng krisis ngunit isa naman siyang chemist at kaya niyang gumawa ng alkohol na tiyak na makatutulong sa publiko upang makaiwas sa paglaganap ng coronavirus 2019. Ayon sa kaniyang viral post, nais lamang niya makatulong dahil na rin sa dami ng mga nababalitaan niyang hindi maganda patungkol sa mga alkohol at hindi niya nais na sumikat o magpasikat.

Prayoridad niyang matulungan ang mga matatanda, sanggol, at mga taong mayroong karamdaman na nangangailangan ng alkohol ngunit hindi sila makabili dahil sa wala nang stock kahit saan. Ang tanging hiling lamang niya ay gumawa ng mabuti ang mga taong kaniyang tutulungan sa kanilang kapwa tao nang bukal sa kanilang mga puso.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago